chapter 13 may tensyon ba!?

17 1 0
                                    

EROS' POV

nabigla ako nung nagsabi si sweetheart na wag ko na daw syang ihatid. nakakabadtrip naman! hindi nya ba alam na mabaliw-baliw ako kakaisip kung anong ginawa nila ni karl maghapon. kanina nung sinabi nyang nag-enjoy sya nung magkasama sila ni karl. sobrang nagselos talaga ako.. ang ganda ng ngiti nya kanina tapos nung ihahatid ko na di man lang ngumiti. ipagpapalit nya na ba ako kay karl?

akala nyo siguro iniwan ko sya no? hindi no? nagtago lang ako sa mga puno pero sinundan ko pa rin sya hanggang sa bahay nila. syempre ayoko namang mahamak sya eh..ano bang dapat kong gawin? magtext sa kanya? anong sasabihin ko?

*toot* *toot*

nagtext si sweetheart sa phone kong ginagamit as torpe..

art: hello torpe, sorry ngayon lang ako nakapagreply, galit ka ba sakin?

me: bakit naman ako magagalit? may ginawa ka bang ikagagalit ko?

art: eh, ano kasi. di ko sinagot yung tawag at text mo.

me: busy ka ata. di mo man lang ako nagawang itext

art: sorry..

me: ok lang, passtime lang naman ako eh. wala akong karapatang magtampo.

art: wag ka namang ganyan. masama na nga ang loob ko, lalo pa akong nagiguilty sa mga text mo.

me: bakit? may nanakit ba sayo?

art: kasi itetext sana kita kaninang pauwi ako para magsorry at saka syempre mag explain bakit di ko masagot texts at tawag mo kaso, sabi nung isang kasama ko, ang dami ko naman daw na lalake. nasaktan ako dun. para naman ang landi ko.

What!? shit! nasabi ko ba yun?! inalala ko yung nangyari kanina.. shit nasabi ko nga! di ko man lang napansin. kaya pala bigla syang nagprisintang umuwi ng mag-isa. dali-dali kong kinuha yung isa kong phone para magsorry sa kanya..

me: art, eros to. sorry kanina ha? di ko sinasadya yung nasabi ko. please forgive me..

after awhile, she replied..

art: ok lang..

magrereply pa ba ako sa kanya? anong sasabihin ko? i decided na magpaalam na as torpe para kami naman bilang ako ang makatext nya..

me: sige text nalang tayo uli. pahinga ka na baka mapuyat ka.. i love you!

di sya kaagad nagreply.. bakit kaya? maya-maya tumunog yung phone ko.. niresend nya lang yung tinext ko..

huh?

tapos tumunog uli phone ko..

art: eros, nawrong send ka ata..

huh? anong wrong send? pagtingin ko,

O_O sshhhiiitttt!!!

nakapagpaalam ako sa kanya bilang si torpe, gamit yung sarili kong number..shit nalito na ako.! hala baka mabuko nya ako. talaga naman! Lahat na lang palpak!!!

agad-agad akong nagtext sa kanya,..

me: sorry, wrong send nga.. para sa girlfriend ko yun eh.. sorry talaga

art: ok..

after nun di na sya nareply. ano bang kabobohan ang ginawa ko?! halos maihagis ko yung dalawang phone ko sa sobrang inis. i dive on my bed habang sinasabunutan ko kung ulo ko. shit! nagpagulong-gulong ako sa kama.. pano ko sya haharapin sa monday?

rule #1 if you're going to lie, never use two phones at the same time..

**************

monday...

I'M INLOVE WITH MR. TORPE (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon