CHAPTER 7

28K 696 9
                                    

FINALLY! natapos din ang napaka habang hapon. Nangawit ang katawan ko sa pagtayo.

"Goodbye master!"Paalam sa akin ng mga pupils ko.

"Goodbye kids!...see you tomorrow."I wave my hands to them.

Nagsipag takbuhan silang lumabas mula sa silid kasabay nun ang pagsalubong sa kanila ng kanilang sundo.

Inayos ko na rin ang aking sarili para makauwi na rin ako. Pasado alas otso na nang gabi.

Paglabas ko tanging ang likod lang ng kotse nila Jeliarde ang naabutan ko. Diko na nakita ang hot daddy niya.

Sumagi sa isipan ko ang sinabi ni boss liit kaninang tanghali. I did not expect na lola pala ni Jaden yong matandang babae. Hindi pa rin nag si-sink sa utak ko ang nalaman ko, sa unang pagkakataon na makilala ko ang lola ni Jaden.

Speaking of that! kahit mag bespren kami ni Jaden marami pa akong hindi alam tungkol sa kanya.

KALAHATING oras ako naghintay sa waiting area ng bus terminal at sa wakas may dumating na rin.

Humihikab akong umupo sa pinaka last chair ng bus kung saan wala masyadong tao. Pumikit ako dahil sa sobrang antok nang maramdaman kong may tumabi sa akin.

Sinilip ko ang mukha ng lalakeng tumabi sa akin.

"Nathan?!"Sambit ko sa pangalan niya.

Tinapunan lang niya ako ng tingin at umiwas din. kahit kelan talaga may pagka suplado ang lalakeng ito.Napansin kong nakasuot siya ng jersey t-shirt na kung hindi ako nagkakamali, iyon ang uniporme nila sa basketball team na kinabibilangan niya.

"Oy girl!...si Nathan Murphy oh."

"Kyaaa! Oo nga. Ang gwapo"

Mga bulungan ng dalagita sa unahan namin. Lahat sila sa amin nakatuon ang pansin pero ni pagtapon ng tingin sa mga dagita hindi niya ginawa.

Tsk!...suplado na, snober pa. Oo nga't gwapo pero may saltik naman sa utak.

Hindi ko nalang din siya pinansin at tinuon ko nalang ang tingin sa labas ng bintana. Come to think of it, ngayon lang kami nagkasabay sa isang bus.

This never happen before. Kapag nasa bahay naman kami wala rin siyang imik. Para siyang may sariling mundo na hindi mo maaring panghimasukan dahil nakakatakot kapag binulabog mo.

BIGLANG nauntog ang  noo ko sa upuang nasa harap ko. Naalimpungatan ako, nakaidlip pala ako.

Napansin kong nagsipag babaan na ang mga kapwa namin pasahero, napatingala pa ako sa likuran ni Nathan na pababa na sa bus.

Kainis talaga ang lalakeng yon, di man lang ako ginising.

Mabilis akong bumaba at natanaw ko nalang siyang naglalakad papasok sa eskinita kung saan ang daan patungo sa apartment.

Nakamasid lang ako sa likod niya. Sa nakikita ko parang ang lalim ng iniisip niya.

Pagdating namin sa bahay pumasok siya sa pinto. Kamuntik pang matamaan ng pinto ang mukha ko dahil sa pagsara nito.

Bwisit talaga ang abs na iyon...suplado.

...^

NAGISING ako dahil sa sobrang init. Mukang tinopak nanaman ang kuryente. Tamad akong bumangon at naghalungkat ng short sa aking drawer, may nakapa akong short at iyon na ang sinuot ko.

Humihikab akong lumabas mula sa silid, natigilan ako nang makasalubong ng mata ko ang lalakeng kalalabas lang din sa kaniyang kwarto.

He is so fucking hot...kahit pa bagong gising lang.

(R18)DEEPLY IN LOVE (JADEN MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon