CHAPTER 2

32.3K 888 15
                                    

"RIA! kilala mo ba ang lalakeng yon?!"Bulong ko kay Ria na panay ang pagtili.

Simula nang umalis ang lalakeng umeksena kanina ay kasing lapad naman ng ngiti ni Ria. Iyong ekstrangherong lalake pa ang tumawag ng pulis para ipadampot si Gorilla na namaga ang mukha dahil sa double kick na ginawa ko at iyong braso niyang nabali yata dahil kay ekstranghero.

"Kilala ko siya, isa siyang basketbolista at siya ang pinaka magaling na shooter ng Jelle  basketball team sa bansa. Hindi ko aakalain na makikita ko siya dito, as in ang gwapo pala talaga niya sa personal."Nagsiliparan ang mga hearts sa mata ni Ria.

Para siyang timang sa ginagawa niya.

Ibig sabihin bastketball player pala ang guy na iyon? di hamak naman talaga na may maipagmamalaki siya. Gwapo, matangkad, malaki ang muscle at pang model ang tindig niya.

Kaya pala nagsipag tilian ang mga babae kanina dahil kilalang tao pala yon.

Hindi ko na pinagtuunan ng pansin si Ria na parang kinikiliti sa kilig.

Mahigit dalawang linggo na rin akong nagta-trabaho sa coffee shop ni boss liit kaya mas kilala na rin nila akong brave woman, walang inuurungan basta pag right ko ipinaglalaban ko.

NATAPOS din ang 8 hours na  pamamalagi ko sa coffee shop. Dumeretcho na ako sa next job ko na pinaka paburito ko sa lahat.

"Hi little boys!".Malapad na ngiting bati ko sa mga napaka cute at handsome kong pupils.

Nganga lang ako dahil ni isa sa kanila walang nagsalita. Tinapunan lang nila ako ng saklap na titig saka pinagpatuloy ang kani-kanilang pinagkaka abalahan.

Aba't mga suplado pala ang mga batang ito!

Isa-isa ko silang tinawag pero isang bata lang ang sumagot.

"Jeliarde Monterelaos?!"Ulit ko sa pangalan niya.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sahig saka ini-angat ang kanang kamay."Over here, banana master!"Nakangiting sagot niya.

Banana master? wait lang...Monterelaos? could it be?

Lumapit ako sa kanya saka umupo sa harap niya para magpantay kami. Hindi ako maaring magkamali, isang Monterelaos ang batang ito at ang blue eyes niya. Walang duda!

Ang pogi niya...

"Jeliarde ang pangalan mo?"Tanong ko.

"Yes, banana master!"Tinawag nanaman niya akong banana master.

"Ibig sabihin, isa kang Monterelaos?!"Asure kong tanong.

He nodded."You're right, banana master."

"Teka nga muna! bakit mo ba ako tinatawag na banana master?!"Medyo iritada kong tanong.

Tumulis ang nguso niya.Aw so cute ng batang ito."Because you like banana, look..."Tinuro niya ang bananang hawak ko.

Ay tanga! kaya naman pala. Di ko namamalayan na may hawak pala akong banana at nilalamon.

Deretso kong isinubo ang half banana saka nilunok."Okay, you can call me Banana master kung yan ang gusto mo. But can i ask you something?!"Pag-uusisa kong tanong.

Napa kamot siya sa ulo."Yeah, sure!"Suot padin niya ang napaka poging ngiti sa maliit at mapula nitong labi.

I cleared my throat."Sino ang father mo sa mga Monterelaos cousin's?!"Tanong ko.

"Jake Monterelaos, he's my father..."He answered.

Napatango-tango ako. Ito pala ang anak ni Jake? ang pogi at mukang magkakasundo kami ng batang ito. Magkahawig nga naman sila ni Jake.

(R18)DEEPLY IN LOVE (JADEN MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon