MASAYANG-masaya ako dahil natanggap na agad ako sa aking bagong side line job.
Sa wakas makakaipon na rin ako para don sa dress na gusto kong bilhin.
Medyo malaki-laki din ang kikitain ko sa bago kong job,nagbabantay lang ako sa isang store na bihira lang pasukin ng mamimili.
Tahimik at walang ka-ingay-ingay. Matanda na ang boss ko at wala siyang ibang ginawa kundi maupo at magbasa ng kung ano-ano sa magazine or dyario.
Walong oras lang naman ang tinitiis ko bago ako makapag take ng rest, hindi naman boring kasi free wifi. Kaya sinasamantala ko ang pag bukas ng aking facebook account, insta at youtube. Marami akong inaabangan na nagpapalibang sa akin.
Napalingon ako sa tatlong estudyante na pumasok, dalawang babae at isang lalake na nasa gitna nila. Napansin kong panay ang dikit ng isang dalaga sa lalake at ang isa naman ay parang may sariling mundo.
Nakakatuwa silang pagmasdan, naalala ko tuloy ang dalawang mokong na kasama ko sa apartment.
Matapos nilang gawing weapon ang bra't panty ko kahapon hindi ko na sila pinansin pero ang kukulit nila. Pilit nilang kinukuha ang attention ko.
Kagabi nagluto si Nathan ng pagkain at ganon din si Jaden, nagpaligsahan pa sila kung sino ang may pinaka masarap na luto.
Dahil pareho naman masarap ang luto nila sinabi kong fair lang pero bawat isa sa kanila sumimangot.
Kaninang umaga maaga akong gumising dahil ayokong magkabanggaan nanaman kami ng kahit na sino sa kanilang dalawa.
Siguro kung alam lang ng mga million fans nila ang pag-iignore na ginagawa ko sa dalawa baka matagal na akong natigok.
Biruin mong kasama ko sa iisang bubong ang dalawang adonis hunk celebrity sa bansa.
Nathan is known as a great rookie of basketball world na hinahangaan ng maraming tao dahil sa galing nito pagdating sa larong basketball.
And Jaden is one of the most riches young heir dito sa bansa at may pangalan pang umuusbong sa buong asia. Ang grupo nilang BOS Band/ Beast of Star.
"Balita ko nag take ng 1 month rest ang BOS band...namimis ko na agad sila."Natuon ang tainga ko sa dalagang naglapag ng pinamili sa harapan ko.
Fan din pala ang dalaga na ito, wala naman kaduda-duda don kasi kung tutuusin mas mabenta ang BOS band sa mga teenagers.
"Updated din ako sa isyung yon pero alam mo bang si Nathan ay napapabalitang nakikipag jowa daw ng sikreto sa isang di kilalang babae?"Don naman lumaktaw ang pandinig ko sa isang dalaga.
"Totoo nga! viral na viral nga yong babae na nag punta sa game ni Nathan e, pero nakapagtatakang bigla yon nawala sa social media. Sayang, hindi ko na nakita ang hitsura ng babae."Nakangusong sambit nung isa.
Napayuko ako at iniwas ang tingin sa kanila. Alam kong ako ang tinutukoy nila, nagtaka rin ako kung bakit bigla nalang naglaho ang isyu na yon. Sinubukan kong e search kanina pero ayaw lumabas. Not found ang sabi sa search result.
Nakapagtataka...
Marami pang pinag-uusapan ang dalawang dalaga tungkol sa BOS band at kay Nathan. Habang ang kasama nilang lalake ay tahimik lang.
Napapailing nalang ako nang mauwi sa pagtatalo ang usapan nila habang palabas na sila.
...^
FINALLY! makakauwi na rin ako, tinawagan pa ako ni Ria na nasa bakasyon daw siya at sayang kasi wala ako.
Tumawag din sa akin si lola Silvia para kamustahin ako at ang apo niyang mokong. Namis ko din kausap si lola, napaka masaya pa rin niyang kausap.
PAGDATING ko sa bahay nagtaka ako kung bakit sarado ang ilaw at walang katao-tao.
BINABASA MO ANG
(R18)DEEPLY IN LOVE (JADEN MONTERELAOS)
Romance(JADEN MONTERELAOS/APPLE MAN) IT'S HARD TO PRETEND TO BE FRIENDS WITH SOMEONE SPECIAL, AND WHEN EVERYTIME YOU LOOK AT THAT PERSON, ALL YOU SEE IS EVERYTHING YOU WANT TO HAVE. Third story of MONTERELAOS BOS(Series #3)