KANINA pa ako hindi mapakali sa loob ng aking kwarto kahit halos dalawang oras na ang nakalipas ng umalis si Jaden.
Walang tigil kong binabatukan ang aking ulo dahil sa nakakahiyang pangyayare kanina.
Napaka tanga ko, sobrang tanga ko. Bakit hindi ko man lang naisip magsuot ng panty bago lumabas ng kwarto kanina? akala ko pa naman may suot akong panty pero king-ina.
Wala akong suot at kasalan iyon ni Jaden, kung hindi dahil sa kanya hindi magtitili si Carlota...nakakahiya talaga.
Umi-echo pa rin sa utak ko ang daing na lumabas sa bibig ko kanina habang nakapatong si Jaden sa ibabaw ko. Napaka laswa ng posisyon namin, i know mahal ko si Jaden pero napaka weird ng naramdaman ko kanina while he's on top of me.
Parang may kakaibang init na gumapang sa buong kalamnan ko, piling ko bibigay na ako sa mga oras na iyon. I could kick him and squeeze him if i want pero hindi iyon sumagi sa isip ko. Para akong nahulog sa isang spell magic na nagmistulang tulala at lumambot ng di alintana.
"Ahhhh!...nakakainis!"Nahihibang na sigaw ko pero mahina lang dahil baka marinig ni Carlota at Nathan.
Sobrang nakakahiya!...parang hindi ko alam kung paano ko ihaharap ang pagmumuka ko kay Jaden...and now my hearts won't stop beating so fast!...lintek na puso.
"Kyaaaaaa...!"
Naudlot ang kahibangan ko ng biglang tumili ng napaka lakas si Carlota na sigurado akong narinig din sa labas ng apartment ang tili niya.
"Carlota? anong problema?!"Natatarantang tanong ko sabay katok sa kanyang kwarto."Bakit ka nanaman ba nagtitili dyan?"
Biglang bumukas ang pinto. Napaatras ako ng sumalubong sa akin ang nakangising si Carlota. Para siyang nanalo sa loto kung maka ngiti.
Mataman siyang nakatitig sa akin na para bang naaliw siya sa mukha ko. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong sunggaban ng yakap.
Nagtaka ako sa kinikilos niya."Carlota? anong nangyayare sayo? sinapian kaba ng mabait na ispirito? or nabagok ba ang ulo mo?"Tanong ko sa gitna ng yakap niya sakin.
Maingat siyang kumawala sa pagyakap at sunod-sunod siyang umiling na parang inusenteng bata. Pupungay-pungay pa ang pilik-mata nito.
"Here!"Kinuha niya ang kamay ko at pinatong nito doon ang isang keys."Ikaw na ang bahala sa apartment ko ha? bahala kana dito habang wala ako..."Malambing na sambit niya dahilan para kumunot ang noo ko.
"Anong ibig mong sabihin, Carlota?!"Naguguluhang tanong ko.
"Aalis ako papuntang UK, lilibutin ko ang buong United Kingdom...Thank you, god!"Para siyang nasisiraan ng bait na tumingala sa kisame habang sinasabi ang mga katagang yon.
Napaka weird na talaga ng bruhang ito...
"Naku Carlota! ihahampas ko na talaga ang ulo mo sa pinto ng kwarto mo para magising ka...anong pupunta sa UK na pinagsasabi mo dyan? alam mo bang napaka expensive ng bansa na yon? stop dreaming, Carlota."Pagkwan ay sita ko sa kanya.
"Hindi ako nagbibiro, my dear cousin. May natanggap akong 50 million sa bank account ko kanina...kaya sasamantalahin kona ang pagkakataong ito na makapunta sa UK...Kyaaa!"Lumundag-lundag siya sa sahig dahil sa tuwa at ako naman ay hindi makapaniwala sa nonsense niyang sinasabi.
Napapailing nalang ako."Ewan ko sayo! kahit gaano pa kayaman ang mga lalakeng ma kotongan mo,never kang makaka tanggap ng 50 million. Sige lang,mangarap ka lang dahil libre naman talaga ang mangarap."I rolled my eyes.
BINABASA MO ANG
(R18)DEEPLY IN LOVE (JADEN MONTERELAOS)
Romance(JADEN MONTERELAOS/APPLE MAN) IT'S HARD TO PRETEND TO BE FRIENDS WITH SOMEONE SPECIAL, AND WHEN EVERYTIME YOU LOOK AT THAT PERSON, ALL YOU SEE IS EVERYTHING YOU WANT TO HAVE. Third story of MONTERELAOS BOS(Series #3)