CHAPTER 15

26.3K 704 39
                                    

KINABUKASAN! nagising ako ng makaramdam ako ng panlalamig sa aking kalamnan. Pinilit kong bumangon para e turn-off ang AC.

Nanginginig ang labi ko,mainit ang katawan ko at sunod-sunod ang pag ubo ko. Napaka kati ng aking lalamunan.

I knew it! dahil basang-basa ako ng ulan kahapon kaya heto ang kinalabasan. Lalagnatin na ako at ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang walang tigil na pag-ubo ko.

Sinikap kong tumayo upang abutin ang nakasarang pinto. Nauuhaw ako at hindi ko na kaya ang kati ng aking lalamunan.

Uminom ako ng tubig mula sa gripo, nakahinga ako ng maluwang ng biglang tumigil ang ubo ko. Napaigtad ako sa gulat dahil sa sunod-sunod na katok mula sa labas ng pinto.

Mukang wala sa bahay si Nathan, siguradong nasa labas yon ng ganitong oras for his daily workout.

Nayakap ko ang aking sarili sa sobrang lamig, kahit napaka laki at makapal ang suot kong jacket ay wala pa rin epekto.

Nanghihinang binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang mukha ng isang adonis. Malapad ang ngiti, naka khaki short siya ng denim at white t-shirt na humapit masyado sa napaka gandang hubo ng katawan niya.

As usual! he's wearing a black shades and biting a red apple.

"Jaden? a-anong ginagawa mo dito ng ganito kaaga?!"Kunot-noo kong tanong.

Patuloy lang siya sa pagkagat ng apple."Good Morning!"Gwapong-gwapong bati niya.

Inungusan ko lang siya."Anong maganda sa umaga?!"Pagsusungit ko.

He cooly remove his shades at tinapunan ako ng wink."Mainit yata ang ulo mo? nireregla kaba?!"Sa halip ay nang-aasar na tanong niya.

"Ewan ko sayo..."Akma kong isasara  ang pinto ngunit napigilan niya iyon gamit ang paa niya.

"Hey! calm down.Masyado pang maaga para uminit ang ulo mo."Saad niya.

"Ano ngang ginagawa mo dito?!"Tinarayan ko siya.

Gumuhit ang ngisi sa bibig niya."Dito na ako titira simula ngayon."Kalmante nitong saad.

"A-anong sabi mo?! dito ka..."Natigilan ako ng kusa siyang pumasok.

Napako ang mata ko sa maletang bitbit niya.Namulsang lumingon siya sa akin.

"I'll be staying here from now on! in other words, mababantayan na kita..."Cooly niyang saad.

Nag spark sa isip ko ang bilin sa akin ni Carlota kahapon. Ibig sabihin nagsasabi siya ng totoo? pero hindi ko naman inaasahan na ang mokong na ito ang tinutukoy niya.

"Babantayan? anong ibig mong sabihin?!"Nagtatakang tanong ko.

Lumikot ang mata niya sa kabuuan ng bahay."Babantayan kita!...akala mo ba hahayaan ko nalang na magsama kayo ng bastardong yon  sa iisang apartment? no fucking way."Determinadong saad niya.

Ibig sabihin he planned this all just to make sure na safe ako. Seriously? anong pumasok sa bungo ng lalakeng ito at napaka kitid ng utak niya.

"I told you, Nathan is not like what you think. Besides, ilang buwan na kaming magkasama sa iisang apartment and nothing's new. My goodness, Jaden! ibig bang sabihin nito ikaw ang nagbigay ng 50 million kay Carlota?!"Nakapamewang na sansala ko.

Tumulis ang nguso niya."Hindi na mahalaga yon, basta ang importante ay kasama mo ako. Ayokong may mangyareng masama sa bestfriend ko."Inakbayan niya ako ng pagkahigpit.

Naamoy ko nanaman ang hindi nakakasawang amoy niya. Biglang nawala ang inis ko, napalitan ng lihim na tuwa sa isiping dito na siya titira. Ibig sabihin madalas ko na siyang makita.

(R18)DEEPLY IN LOVE (JADEN MONTERELAOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon