8

3.2K 77 1
                                    

Nagsuot lang ako ng leggings na 1 inch below the knee at spaghetti strap blouse. Para naman comfy.

Pagpasok ko ng gym tapos na mag warm up ang mga kasama ko.

"Hey George, tapos na kaming mag warm up. Mag warm up ka muna.", salubong ng leader namin.

"Its okay. Sali na ako agad sa routine."

"Sure ka?"

"Yeah."

Wala na akong choice. Dapat di na ako magpa late bukas. Ayaw ko din namang magpa important. Magpaka VIP.

Lumingon ako sa may court at nag-wa-warm-up pa din yung mga players ng basketball. For sure hinintay talaga ng mga teammates niya si Vincent.

"Okay guys. I need you to focus. Alam niyo naman na konti lang ang time for preparation. Let's start."

May trainor naman kami. Bakla nga lang. Guada daw itawag namin sa kanya. Napaka-strikta. Di pa tumatawa.

"Jes, kailangan natin pumili ng flyers as well as yung bubuhatin.", sabi ni Guada kay Jessa, yung leader namin.

Agad naman siyang nag tap ng mga kasama sa flyers at bubuhatin. Syempre babae. And of course, kasali talaga siya.

"Me?", tanong ko sa kanya nang bigla niya akong tinap sa shoulder ko.

"Yes George. I know you're good."

"Okay/"

Nakasali pa ako. Wala naman akong fear sa heights. Kaya okay lang.

Separate kaming nag practice para sa routine namin at yung iba nag break muna.

"I need you to trust your partners. Don't worry ladies, may aalalay sa inyong dalawang tao sa likod.", pag instruct ni Guada. Tumango lang kami tanda ng pag sang-ayon namin sa kanya. Sanay na naman din ako dito.

"Hi.", sabi nung ka-partner ko. In all fairness cute siya.

"Hey."

"Mico.", at inabot niya yung kamay niya sa akin para makipag shakehands.

"Georgina.", sabay tanggap sa kamay niya.

"Just trust me. Ako bahala sayo.'

"Yeah."

Seryoso talaga masyado si Guada pag practice. Grabe.

Naging okay naman agad kami ng partner ko. Maingat niya naman akong inaakyat sa balikat niya..

Hanggang sa napatingin ako sa banda nina Vincent. Di ko inaasahan na nakatingin pala siya sa amin. And our eyes met. May kakaiba sa mata niya na di ko mabasa.

And then suddenly nawala na ako sa concentration. Nawala ang isip ko na may practice pala ako. And then nawalan na pala ako ng balance. I slipped from my partners shoulders. Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Sheeeeytsss. Narinig ko ang sigawan nila. I feel na nasalo ako nung dalawa na nasa likod namin ni Mico. Whoooh. That was too close. Kasalanan 'tong lahat ni Vincent eh.

"Are you okay George?", concern na tanong ni Jessa

"Yeah."

''Kung saan-saan kasi nakatingin. I said you need to focus. Simple instruction, di pa magawa.'', inis na tonong sabi ni Guada.

''Hmm.'', di ko na kailangan manghula kung sino yun. He caught all our attention. ''Wag mo siyang pagalitan ganda. Ako yung may kasalanan, kinawayan ko kasi siya.''

Bigla namang nag iba ang aura ni Guada. Iba talaga ang karisma nitong si Vince. Walang kupas.

''Sorry pogi. Kailangan ko talaga silang disiplinahin.''

When I Met That Playboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon