14

2.9K 71 1
                                    


Pagmulat ko ng mga mata ko ay nasa all white room ako. Dinala nga pala ako ni Vincent dito sa hospital kanina. Nilibot ko ang tingin ko sa loob pero wala akong kasama. Sana walang tumawag kina mom at dad. Di ko sila gustong mag-alala. Simpleng lagnat lang naman ito. Busy din sila. Ayokong makaisturbo. Hanggang sa bumukas yung pinto at iniluwa ang lalakeng ayaw kong makita. Pero may utang-na-loob ako.

"Hi.", blank face niyang bati.
Di nalang ako nag-react. Wala din naman akong sasabihin ee. "How are you?", dagdag niya pa.

"I'm fine. Can you please call Ashley. And you can leave me here, kaya ko na sarili ko."

"Tinawagan ko na siya kanina. May group project daw silang ginagawa kaya di siya makakapunta dito."

"Okay. You can go now. I can take care of myself. Thank you nga pala."

"I won't go home. Wala kang kasama dito."

"Just go. I'm old enough para bantayan at alagaan. Ayoko rin makaabala ng ibang tao."

"You are not strong enough to do that."

"Can you please don't insist things Villacorta. May mga nurse naman."

"I wanna take care of you."

"Stop that bullshits. I know acting lang 'to. Kaya tigilan mo na. and FYI, ayaw kitang kasama."

"I'm worried about you, okay?"

"Worried? Ngayon pa? pinahiya mo na nga ako't lahat. May gana ka pang magsabi na worried ka. Wow. Just wow. Ayoko rin ng gulo. Kaya umalis ka na lang. nakapag-thank you na naman ako di ba?"

"Wag nga matigas ang ulo mo Ge."

"And please stop calling me that name. nakakadiri pakinggan."
Di na siya nagsalita pa. buti naman. Kakapagod makipag-usap sa mga ganitong klaseng tao. Plastic.!

"I said GO!!!", sigaw ko sa kanya. Ang tigas ng ulo.

Sa inis ko ay napaupo ako ng biglaan kaya kumirot yung ulo ko. Napapikit ako sa sakit. Fudge. Naramdaman ko na hinawakan niya ako. Pero pinaalis ko siya kaagad ng sapilitan. Humiga nalang ako ulit pero nakatalikod na sa kanya. Sana wag na siyang mangulit. Sana umalis na siya. Mas lalo niya akong sinasaktan sa mga pinag gagagawa niya ee. Bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Why acting so strange this time Vincent? Tss. Ginugulo mo ang utak at sistema ko. Ano ba talagang trip mo? Nalilito na ako.









*****

May gumising nalang sa akin bigla. Nakatulugan ko na pala ang pag-iyak ko kanina. Di ko na namalayan. Pinahid-pahid ko pa yung mukha ko baka kasi may bahid pa ng katangahan ko.

"Hi Ma'am. Good evening po.", bati nung nurse.

"Good evening. Anong oras na pala?"

"8:00PM nap o. naghatid lang po ako ng pagkain niyo."

"Oh. Thanks."

"Binilin po kayo ng boyfriend niyo sa akin. Mukhang ayaw niya po talaga kayong iwan kanina ee. Ang daming bilin."

"Boyfriend? I don't have one."

"Si MA'am talaga ang humble pa. Ang pogi po ng boyfriend niyo at ang bait pa."

Nung na-realize ko na kung sino ang ibig sabihin niya ay bigla nalang kumunot ang noo ko. Siya lang naman ang pumunta dito kanina ee. Si Vincent? Boyfriend ko? Tsk. Never.

"Ah. Schoolmate ko lang yun nurse. Nagkataon kasi na siya yung nakakita sa akin nung nawalan ako ng malay sa school. May girlfriend nay un noh. At madami yung sungay."

When I Met That Playboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon