13

2.9K 82 1
                                    

It's Monday. And I really hope na wala ng mangyayari. Nakakapagod na.

Hindi ko din alam kung paano ako makaka react kung nandiyan sina Vincent. Ako ang nagmukhang kontrabida sa kanya ee. At big deal yun para sa akin. Di ko na alam kung paano pa pakikitunguhan si Natalie. Di ko mabasa ang mga galaw niya. Ang sabi nila lahat ng babae na nalalapit kay Vince ay guguluhin niya. But in this case now, she only have eyes on me. An evil one. And its fucking ironic. Tsk.
.

Nagsuot lang ako ng skirt na red (3 inches above the knee), at off shoulder na tops na kulay puti. Light make up at rubber shoes. And then gora na. Di ko kailangan magpaka trying hard katulad ni Natalie dahil kahit di ako makapag ayos, may magkakagusto pa rin sa akin.

Pagkababa ko ng kotse ay naglakad na ako papuntang classroom.

"Maldita pala yan."
"Akala mo kong sinong anghel."
"Gumawa pa talaga ng eksena."
"Gusto palaging bida ee "
"Pinagsawaan lang din naman ni Vince."

Waaaah. As expected, yan talaga ang mangyayari at madadatnan ko. Tsk. Wala ba silang ibang magawa? Di naman ako isang celebrity para pagtuonan nila ng pansin. Nagsasayang lang talaga sila ng laway.

Hanggang sa makarating ako ng room ay iba pa rin ang mga tingin nila sa akin. Parang ang sama ko naman. If they only knew the truth. Nang makaupo na ako sa upuan ko ay siya ding pagdating ng mga ayaw kong makita pero alam ko namang di yun pwede.

"Bye baby. See you later.", tama ba ang feeling ko na sinadya niya talagang lakasan ang boses niya. Tsk. Arte as ever.

Hindi ko nalang sila pinansin. Baka kung ano na naman isipin ng iba at yung maarte na babaenh yun. Natapos na ang lahat ng klase ko this morning nang wala akong naintindihan. Lumilipad lang ang isip ko the whole time pero wala naman akong iniisip.

Lunch time nag-text ako kay Ashley na di muna ako sasabay sa kanila pero pinagalitan ako ng bruha. Wag daw akong masyadong obvious. Dapat daw nandun ako kahit na torture yun sa akin. Para naman di raw lumaki ang ulo ng Natalie nay un. Tsk. Tama naman siya. Kaya wala na akong choice. Bago ako nagtungo sa pwesto namin sa caf ay pumunta muna ako ng counter at bumili ng pagkain. And suddenly...

"Hi George."
Di ko na siya kailangan tignan dahil napaka-unique ng bwisit niyang boses.

"What do you want?". Di ko pa rin siya tinitignan.

"Ang sungit mo naman George."

"I don't have time for your shits Natalie."

"Talaga lang. maghanda ka sa mga susunod George. I can do worse than last Friday night."

Hinarap ko na siya. I knew it. Kadramahan niya lang yun. Planado lahat ng yun. Di ko pa naman nababasa ang kinikilos niya. Tsk.

"Ano bang problema mo sa akin Natalie?"

"I really don't like you. You are such a bitch George. Anong ginawa mo at nagka-ganoon si Vince? Ginayuma mo?"

"Are a psycho, Natalie?"

Kumuha siya ng isang glass ng pineapple juice sa counter. Lumingon-lingon muna siya sa paligid na parang may tinitignan.

"Psycho? Baka ikaw yan! Wag mo akong igaya sayo. Mang-aagaw ka! Bitch!"

Kaagad niyang pinahawak sa akin yung juice. Pinilit niya akong makahawak sa baso. Hinawakan niya pa nga yung kamay ko para kumapit talaga sa baso. Nginisihan niya ako bigla at tumaas yung kilay niya.
Bigla siyang umakto na pinipigilan niya yung kamay ko at hinihila niya iyon.

When I Met That Playboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon