11

3K 76 0
                                    

*GEORGINA'S POV*

Di ko na lang sinabi kay Ash ang nangyari sa akin kahapon. Ang saya niya para sabihin ko yun. Excited masyado na tignan si Josh. Yes. Last day na ng event ngayon kaya andito kaming lahat sa ground para sa concert. Kasama ko ngayon si Ash na may banner pa talagang dala. Ang lakas ng trip nito eh.
Kung tinatanong niyo kung nasaan si Vincent. I don't know either. Baka may ka-chuchu na naman yun kung saan. Sayng naman yung mga girls galing sa ibang school kung di niya pa sunggaban di ba? Once a playboy will always be a playboy.

*****

Hanggang sa natapos na yung concert at nag-aya pa sila na pumuntang bar para tanggal pagod daw. Wala naman akong magawa kundi sumama. Di ako kj remember. Baka makita ko din doon si Vincent.

Pagka-park ko ng kotse ko ay nakita ko silang lahat sa may entrance ng bar. Kami lang naman magkakaibigan ang magkakasama. Unless kukuha ng mga babae ang mga playboy na 'to. Of course, except kay Joshua.

"Hey.", bati ko sa kanila.
Napatingin naman silang lahat sa akin. Except Vincent. Di nalang ako nagpahalata na napansin ko yun. Kung kaya niya mang-deadma, pwes kaya ko rin.

"Hinintay ka talaga namin George.", sabi ni Ben.

"Salamat."

Pagpasok namin madami na yung tao. Gabi na kasi at Sunday pa. wala naman kaming pasok bukas dahil pahinga daw. Salamat naman. Kahit nung first day lang yung event ko, kakapagod pa rin. Araw-araw ka sa school na walang ginagawa. *sigh*. Nabigla ako ng may iba-ibang girls na sumasalubong kay Vincent at hinahalikan siya. Not on cheeks but sa lips talaga. Buti nga smack lang. grabe talaga. Di na talaga ako magtataka pa. playboy eh. Hunk.

Nung nakahanap na kami ng pwesto ay may kasama na ang mga mokong. Ako na lang ang loner dito. Tsk. Mga lintang babae. Enjoy naman si Vincent. Tawa pa nang tawa. Ang sarap bunutin ng mga ngipin eh. Nakakainis. Nakakandong pa talaga ang kasama niya. Eh ang laki naman ng couch. Tsk. Sheeeyts.

"Guys, may announcement kami.", excited na sabi ni Ash. Napatingin naman kaming lahat sa kanila. Pero yung mga kasama nung tatlo syempre clueless. Mga sampid lang kasi. Op talaga. Bagay lang yan sa kanila. Lalo na yung kasama ni Vincent. Na ang harot. Tss.

"Ano yun? Buntis ka Ash?", birong tanong ni Mark. Nagtawanan naman sila. Ako no reaction lang. di ko feel eh. Nakakaimberna.

"It's official. Kami na ni Josh.", masayang balita ni Ash. Halata talagang masaya sya dahil kumikislap pa ang mata niya. Halata naman na inlove sila sa isa't-isa. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Congrats girl.", pilit kong ngiti na di ko naman pinahalata sa kanila.

Good for her. Ako kaya kailan?

Naging busy na ulit sila. May mga partners eh. Ako? Tinutungga yung iniinom ko. Nakakarami na din ako. Nakuha yung atensyon ko at nainis ako lalo nang tumawa yung babae na kasama ni Vincent. Pero yung iba kong kasama wala lang pakialam. Di nga nila napansin eh. Hindi nalang din ako nagpahalata. Baka lumaki pa ang ulo ng mokong. Bahala siya diyan. Manigas siya.

"Guys, excuse me. Cr lang ako.", paalam ko sa kanila.
Umiikot na rin ng konti yung paningin ko. Nasusuka na ako kaya pupunta ako ng cr. Tinanguan lang ako ng mga mokong. Alam ko naman na walang pakialam si Vincent sa pagpapaalam ko eh. Busy eh.
Pagpasok ko sa isang cubicle ay binuhos ko doon lahat ng selos na nararamdaman ko kanina. Bwisit. May araw ka din sa akin Vincent. Tsk. Damn you. Di muna ako agad na lumabas sa cubicle kung nasaan ako. Umupo muna ako sa sahig nun. Malinis naman yung cr eh. Well-maintained. (. Wala din naman akong gagawin doon. Para lang naman akong chaperone ng mga kaibigan ko. Out of place na ako masyado. Kung umuwi nalang kaya ako? Tama. Good idea. Yun nalang ang gagawin ko.

Pagkalabas ko ng cr, somebody grab me.

"Ano ba?", inis kong reklamo.

"Are you okay?"
Tinignan ko kung sino yun at nainis ako bigla nang makita ko ang mukha niya. Bakit ba siya sumunod dito? Paano yung kasama niya? Baliw talaga.

"Wala ka ng pakialam. Bitawan mo nga ako.", walang lakas akong nagpumiglas. Pero talo pa din ako dahil malakas pa siya.

"Iuuwi na kita. Lasing ka na."

"Don't bother. I can handle myself."

"Wag na matigas ang ulo Ge."
Tinawag na naman niya ako sa usual niyang tawag sa akin. Lumukso na naman ang abnormal kong puso. Wag ngayon mr. heart. Wag kang mag-traydor. Bawal ngayon.

"Pabayaan mo ako pwede."

"Tara. Iuuwi na kita. Lasing ka na."

"Fuck off! Bingi ka ba? Sabi ng ayoko eh. Bwisit.", tinanggal ko yung kamay niya na nakahawak sa akin at bumalik sa place namin.

"Okay ka lang George?", tanong ni Ash.

"Yeah. I'll go ahead. Natamaan na ako eh."

"Kaya mo pang mag-drive?", nag-aalalang tanong ni Ash.

"Yeah. Malinaw pa naman ang mata ko."

"Ingat ka. Dahan-dahan lang sa pag-da-drive."

"Ge, ihahatid na kita.", sabat na naman niya.

Kinuha ko na yung bag ko at tinalikuran na sila. Di ko na rin siya pinansin. Nakapag-paalam na naman ako eh. Paytss.
Nakarating ako ng parking lot. At di ko napansin na nakasunod pala siya sa akin.

"Give me your keys."

"Gosh! Di mo ba naintindihan? Kaya ko na nga."

"Lasing ka na Georgina. Baka mapano ka sa daan."

"I can take care of myself. Don't act as if you care. Stop that crap Mr. Villacorta."

"Ang tigas ng ulo mo Ge. Ano bang gagawin ko sayo?"

I unlock my car at pumasok na agad doon. Di na niya ako pinigilan. Buti naman. I know I can go home safe. Kaya ko pa naman mag-drive. Oa lang talaga siya.
Nung pinaandar ko na yung kotse ko at habang nasa daan. Napansin ko ang kotse ni Vincent na nakasunod sa akin. Tsk. Ang tigas talaga. Bakit ba siya nakasunod? Nagsisimula na naman ba siya sa mga laro niya? Dahil di na ako kakagat pa.
Pagkadating ko sa tapat ng bahay ay bumusina agad ako. Buti nalang at may bumukas agad ng gate at pinark ko na ang kotse ko sa lugar nito. Di na ako lumingo sa likod kung nandoon pa siya. Agad din akong pumasok sa loob ng bahay. Wala si Mommy dahil sumunod kay Dad sa HongKong. Kailangan ng katulong ni Dad na mag-monitor sa isang branch namin doon. Kaya dumiretso na ako sa kwarto ko at nag shower agad para mahimasmasan naman ako ng konti.


Pagkagising ko ay nasapo ko agad ang ulo ko. Ang sakit. Natamaan talaga ako ng hangover. Naparami pala yung inom ko kagabi. Tsk. Bumangon ako at bumaba patungo ng kusina.

"Ma'am George, may nagpadala po ng sopas sa inyo. Para mawala daw po yung sakit ng ulo niyo."

"Sino po?"

"Si Sir Vince."

"Pumunta po siya dito?"

"Kakaalis niya lang po. Di na nga pumasok eh."

"Sige po."

Pagpunta ko ng dining table ay andun nga yung sopas. Mainit pa iyon. Kumunha ako ng kutsara at kinain ko yun. Ano naman nakain ng taong yun at nagdala ng sopas dito. Nauntog ba siya or what. Ang sarap. Siya kaya nagluto nito? Hmmm.


*****

VOTE. (
CO MMENT (
Ty (

When I Met That Playboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon