Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Ang aga pa tapos tatawag ang kung sino man ito. Di ko na tinignan ang screen ng phone ko kung sinuman yun.
"Hmmm.", inaantok ko pang sabi.
"Seriously George? Still not rising up."
"What are you calling for?"
"How are you?"
Starting that day na nangyari yung kagaguhan ni Franco ay araw-araw ng tinatanong ni Ash kung okay lang ba ako. It's been a week. Yes, a week. Di ko na nga nadalaw sa hospital si Vin, hanggang sa nakalabas na lang siya. Di muna ako pinapalabas nina mom at dad. Pati pinapadalaw, di nila pinapayagan. Why? Pinapa-therapy nila ako para ma-secure na di ako ma-to-trauma. Thanks to them at nakatulong yun. Magaling din kasi yung doctor.
"I'm all well Ash."
"I've heard from tita na tapos na daw yung therapy mo.""Yeah. Kahapon lang."
"How is it?"
"It's good. Malaking tulong sa akin."
"Buti na nga lang at sem break na. We have 1week pa. We've planned na mag outing tayo."
"Anong klaseng outing ba yan?"
"Roadtrip."
"Wow. That's good. Sana payagan ako."/
"Pupunta kami diyan mamaya. Para tulungan kang magpaalam."
"Sure."
"Get up now. And be ready. Vincent will come with us."
"Wha?"
"You heard me right George."
Nagpaalam na ako sa kanya at dali-daling nagpunta sa banyo. Mygosh. Ang tagal naming di magkita ni Vincent. Ano bang sasabihin ko? Mygosh. Ngayon lang ako nataranta ng ganito. Sheeeebs.
Nagsuot lang ako ng maong na shorts, nasa bahay lang naman ako at white na v-neck shirt. Bumaba na ako para makakain ng agahan."Good morning mom, where's dad?", bungad ko kay mommy na nadatnan ko sa may sala at busy sa mga papeles niya.
"Nasa library. Nagbabasa na naman yata."
Us usual pag andito lang sa bahay si dad. Nandoon lang yun sa library ng bahay. Napaka bookish niya kasi. At di ako nagmana doon. Ayoko sa libro eh."Tapos na kayo mag breakfast mom?"
"Yeah. Kumain ka na doon. Nandoon lang si yaya. Magpatulong ka na lang."
"Ok mom."Di ko na siya kinulit. Busy nga talaga kasi siya.
Lunch time na nung dumating sina Ash. Nagdala pa nga ng mga pagkain. Ano ito suhol para pumayag sina dad. Hahaha. Mga kaibigan ko talaga. Sinalubong ko sila sa pintuan ng bahay. Si yaya kasi nagbukas nung gate.
"Hey guys.", bati ko sa kanila.
"How are you George. Its been a while.", bungad ni Mark
"I'm doing great now."Napansin yata ni Ash na palinga-linga ako sa likuran nila. Grabe talaga ang mga mata ng babaeng 'to. "Don't worry girl. Kasama namin si Vincent. Nag park lang ng sasakyan. Ginawa naming driver eh."
"H-huh? S-si yaya yung tinitignan ko. Para paghandaan kayo."
"George, obvious ka masyado. Stuttering?", panunudyo sa akin ni Ben.
"Whatever guys. Pasok na kayo at maupo."
Binigay ko naman sa dalawang katulong namin yung mga bitbit nila. Para mahanda na sa lamesa. Sakto naman ang pagbaba nina mom at dad galing sa kwarto nila.
Nagsitayuan ang mga lalake. Si Ash sanay na sa kanila yan. Intimidating kasi ang looks ni dad pag first time mo pa siyang nakita. Isa-isa silang nagpakilala kay dad at mom. Malugod naman silang binati ni dad at mom. Nakakatawa nga ang tatlo dahil parang nabunutan sila ng tinik. Di naman nangangain si dad. Nagkatawanan nalang kami ni Ashley.
BINABASA MO ANG
When I Met That Playboy (Completed)
RomanceEvery girl wants a playboy like guy. And i also want it. But how can i resist this guy na sobra na talaga sa pagka playboy. Iba-iba na lang. Halos siguro lahat natikman na. And it all started at the rooftop. When we almost do that bed thing. But tha...