12

2.9K 70 3
                                    

Sa wakas at nagbalik na ang normal class. Pero ka-block ko si Natalie. Makikita ko talaga siya. Wala na akong choice.

Pagkapasok ko ng room ay agad pumunta ng gitna si Natalile. At ang plastic ng ngiti ah.

"Attention everyone.", maarte niya sabi. "Makinig kayo, lalo ka na Georgina.", nakakaloko niyang sabi. "Official na kami ni Vince. So girls, back off or else. Alam niyo na. yun lang."

What?! Parang namatay bigla yung puso ko. Parang tumigil ang pagtibok nito. Is she sure? Tama ba ang narinig ko? Nabingi lang ako di ba? Waaaaaaaaaaaaah. Ang sarap sumigaw.
Natapos yung morning classes ko na wala akong naintindihan. Tsk.

LUNCH...

Pagdating ko ng caf ay nakita ko agad sila except si Vincent. Nag-iba yung pagtitig nila sa akin. Parang nag-aalala.

"G-Georgina?", tawag sa akin ni Ash.

Pinilit ko ngumiti. "Yes?"

"Okay ka lang?"

"Yeah. Paano naman ako di magiging okay?"

"Nabalitaan mo na ba ang tungkol kina Natalie at Vince?"

"Yep."

"Wala ka man lang reaction doon?"

"How should I react Ash? Congrats sa kanila."

"That's my Georgina.", ngumiti na siya at tinigilan na ako."

"Punta muna ako ng counter. Order lang ako."

I wanna eat hard meal now. Stress ako. Tsk. Ang sarap ng umuwi pero baka anong isipin nila.
Pagkabalik ko sa table namin ay nandoon na sina Vince at Natalie. Nanghina bigla ang tuhod ko. At magkatabi pa talaga kami ni Vince ng upuan. Yun naman talaga ang usual arrangement namin eh. Napatingin si Natalie sa akin. Nag smirk lang siya ng nakakaloko. Kinuha ko ang natitirang lakas sa katawan ko para makalakad pa. at umupo ako. Tumingin si Ashley sa akin. Alam kong alam niya na di ako okay. Buti nalang kanina nakaramdam din siya.

"Himala George, nag heavy meal ka ngayon.". tanong ni Mark.

"Di ako nakapag breakfast."

"Stress ka ba George?",maarteng tanong ni Natalie. Close na ba namin siya? Sumasabat na kasi.

"Why would I?"

"Aba malay ko. Baka sa mga nalaman mo kanina lang?", nang-iinis niyang sabi.

"Wala naman akong pakialam sa mga nangyayari. Lalo na at di importante sa buhay ko."

"Just saying."
Don't me Natalie. Pumapatol ako pag isahan. Wala ang mga alipores mo eh. Kaya pwede akong mag-maldita. Tingnan lang natin.

"Let's eat guys.", masigla kong sabi.

Yung feeling na ang exagge pala ni Natalie maging girlfriend. Ang oa. Yung nakakadiri na tignan. Tsk. Ewwness to the nth power. Hahahay. *sigh*.

"Baby, drink your water baka mabulunan ka.", oa niyang sabi kay Vince.
Para yata siyang nanalo ng lotto ngayon. Ang wildest dream niya natupad na. congrats sa kanya. Kung di lang ako nag-overreact. Im sure wala sila sa sitwasyon nay an ni Vincent. 'Baby, blah blah blah.', nakakadiri talaga.

"By the way guys, may party ako sa bahay this Friday night. Punta kayo ah. Ikaw din George. Selected lang yung ininvite ko.", pag-aaya niya.

"Anong occasion Nat?", tanong ni Ben.

"My birthday. Kahit wala na kayong gift. Basta punta lang kayo."

As if I'm interested. Dzuhhh.

When I Met That Playboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon