25

2.7K 62 2
                                    

The days had passed...






Tinawagan ako ni Ashley may pa-farewell party daw. Di naman sinabi sa akin ni Ash kung sino. Tsk. Bahala na.

Nandito na ako sa bar na sinabi sa akin ni Ash. Nagmadali na akong pumasok ayaw ko namang magpa-import no'.

"Here she is.", salubong ni Ben sa akin.
I'm right. Ako nalang ang kulang. Nakakahiya naman.

"Sorry. Late ako."

"Its okay George. Take a seat.", sabi ni Mark.

" So, dapat magsaya tayo tonight. Last bonding na natin 'to na kumpleto tayo. Baka matagal-tagal pa bago tayo magkakasama ulit.", speech ni Josh.

"Love, di ba dapat si Vince ang mag-s-speech, di ikaw. Siya ang aalis eh.", natatawang sabi ni Ash.

Napatigil ako sa pag inom ng beer ko. What? Aalis siya? For what? Saan?..

"Mag-speech ka na Vince.", sabi ulit ni Ash.

"H-huh? Wala naman akong sasabihin eh."

"Sure ka? I-share mo naman sa amin kung saan ka pupunta or what."

"Fine. Pupunta ako ng states. Doon ako mag-t-take ng board exam. Baka matagalan ako doon. May review pa bago exam."

"Social mo naman. Pwede namang dito ka mag take nun.", reklamo ni Ben.

" Gusto ni mommy na doon eh. Gusto niya rin mag-unwind para makalimot."

"Pati ba ikaw, gusto ng makakimot?", biglang tanong ni Josh.

Natigilan ang lahat pati ako. Hinihintay kung ano ang isasagot niya. Gosh.

" Sort of. Pero mas focus ako sa board exam ko. Baka makatulong na din yun."

Nilagok ko ng isang inom yung bote ng beer ko. Fudge. Ang obvious ko na ba na affected ako? Tsk.

"Kailan ang alis mo dude?"

"The day after tomorrow."

"That fast?"

"Yeah. Si mommy kasi ang excited."

"Basta. Wag mo kaming kalimutan.", sabi ni Mark.

" Ang bakla mo dude.", tudyo ni Ben.

"Tama na nga ang drama. Nandito tayo para magsaya guys. Tama na ang ka-oa-han.", sabi ni ash.

Mygosh. Di ko na kaya 'to. Pa-simple kong kinalikot ang phone ko at pinindot ko yung fake call. Tumunog ito.

" Excuse me guys.", sabi ko sa kanila. "Hello Mom?", sinigurado ko talagang maririnig nila yun.

Gagawin ko talaga ang lahat para makaalis doon. Gosh.
Bumalik naman agad ako.

" Guys, sorry. I need to go home. Uuwi sina dad at mom eh. Dapat nasa bahay daw ako. Sorry talaga."

"Maaga pa naman George.", reklamo ni Ben.

" I really have to go. Sorry guys. Enjoy nalang kayo."

Di ko siya tinignan kahit saglit. Ayokong makita ang reaksyon niya. Mas lalo lang akong mahihirapan. Mabuti ng ganito para magpatuloy siya sa buhay niya. Kahit wala ako.
.

.

.

ASHLEY'S POV

Ano bang nangyayari sa dalawang kaibigan namin. Ang kulang lang talaga sa kanila ay ang mag-usap. Pero nirerespeto ko ang nararamdaman ni George ngayon. Maybe this is not the right time for them.

When I Met That Playboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon