10

3.4K 81 2
                                    

*VINCENT'S POV*

Nandito lang ako sa dulo ng hallway. Alam kong matatagalan pa si Georgina. Babae nga naman. I cannot argue with that. Napasandal na lang ako sa pader at nakinig ng music sa iPod ko. Hanggang sa may dumating na isang babae na di ko kilala for sure. Taga-ibang school yata 'to dahil iba yung sling ng ID niya. Nabigla ako nang agad niya akong hinalikan. Lalake lang ako at matagal ko na itong di nagagawa. Nakakamiss din pala.

All of a sudden ay natauhan ako. Si Ge. Nasaan na yun? Agad kong naitulak yung babae na halatang nainis at nabitin sa ginawa namin.

Tumakbo ako papuntang shower room ng girls para ipagtanong kung andoon ba si Georgina.

"WaaaaaaaaaaaaAaaah.", as expected na sigawan ng mga babae.

"Girls, nasa labas si Vince."

"OMG. Ako ba hinahanap niya?"

"Excuse me, nakita niyo si Georgina?"

"Bakit mo ba siya hinahanap? Nandito naman kami."

"Just tell me where the hell she is.", galit na talaga ako. Wala akong panahon sa kanila ngayon. Baka anon g ginawa nila kay Ge. Mga baliw pa naman 'to.

"Actually kanina pa siya umalis."

Agad din akong umalis. May usapan kami kaya alam kong tutupad yun. I dia Ashley's number.

"Hey, napatawag ka?"

"Ash, si Georgina kasama mo?"

"Ha? Nope. Di ba magkasama kayo?"

"Hindi. At kanina ko pa siya hinahanap pero di ko pa rin siya nakikita."

"Try to call her."

Wala rin akong napala kay Ashley. Nasaan ka na ba Ge? Ring lang nang ring ang phone niya at di niya sinasagot. Tsk.

Hanggang tumawag si Ashley ulit.

"Vince, try to check doon sa bar na pinupuntahan namin. baka andoon siya."

"Saan?"

"Sa Nightmare."

"Sige. Thanks."

Agad akong tumakbo sa parking lot. Mamaya pa naman yung laro namin. makakahabol pa ako. Ang aga pa para mag bar Ge. Tss. May problema siguro yun. Hanggang sa nakarating ako sa gate at nakakainis pa si Manong Guard, hinarang pa talaga ako.

"Sir, bawal pong lumabas."

"Nagmamadali ako Manong. And please I'm not a fucking high school student anymore.", biglang napakunot yung noo niya na parang may naaalala. "And wait po, may lumabas bang babae dito? Maganda po. Kulay yellow yung sasakyan niya."

"Meron sir. Nagmamadali din po yun kanina. Parang galit."

"sige. Salamat po."

Damn. Lumabas nga talaga siya. Ano bang problema niya? Di kaya.... Tsk. Sheyt. Nakita niya kaya yun? Fudge. Damn you Vincent. Minadali kong makaputa doon sa bar, baka kung anong ginagawa nun doon. Tsk. I have trust on her but the people around that bar, wala.

Pagkadating ko sa loob ng bar madami ng tao. Nang ganito kaaga? Seryoso? Hinanap ko agad siya sa mga stool ng bar pati na sa mga upuan sa sides at mga couch. Pero wala siya. Pumunta ako sa dance floor at inikot ko na't lahat, pero wala. Damn! Where the hell is she? Ang awkward kaya pumunta ng bar ng naka-jersey. Tsk.

"Georgina!!!!", sigaw ko. As if naman marinig niya. Tsk. Damn.

"Hey Vince.", malanding sabi ng isang babae.

When I Met That Playboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon