-Soundtrack 1-

6.2K 73 2
                                    

-Summer-

Nang bumukas ang spotlight at itinutok sa kinalagyan niya she knows it's already time. Hindi time para kunin na siya ni Lord kundi para marinig sa buong mundo ang boses niya. Nasa Mundo Stadium kasi ngayon para mag alay ng isang kanta sa isang prestigious event ng mga socialites.

She heard the first note of the keyboard. When she look at the person who's playing with in together in the stage ay napangiti siya.

Time I'd been passing time watching trains go by

All of my life...

Una niyang bigkas sa kanta kasabay ng eksperto nitong mga daliri na tumitipa sa keyboard.

Lying on the sand, watching seabirds fly,

Wishing there would be someone's waiting home for me,

Something's telling me it might be you.

Yeah it's telling me it might be you all of my life.

Napapasulyap sa kanya ang lalaki habang nakatitig lamang siya rito nakalimutan na niya na nanonood ang buong Mundo Stadium sa kanya.

After the song, ay tumayo ang mga tao at pumalakpak. She bow her head peru ang lalaki ay bahagya lang tumango sa mga tao at lumakad palayo sa kanya.

Okay. Let's get real here! Kung kagwapuhan ang pag-uusapan hands down na siya sa lalaki.Wala na uwian na lahat ng pangit wala ng chance.

Hawak niya ang laylayan ng napakataas na long gown wala naman atang saysay kung tatawagin itong long peru di mataas. Logic please!

"Summer!" kumaway ang baklang komontrata sa kanya.

Lumapit siya doon sa bakla. At inilahad ang kamay.

"Bayad dali nag antay na ang malaking buwaya sa bahay at malamang gutom iyon" sabi niya sa bakla na inirapan naman siya.

"eto, binawasan ng one thousand ni Mother L nahuli daw konti ang bibig mo sa pag lipsing kanina"sabi ng bakla. Kaya napakunot ang noo niya.

"Hah? ilang beses?" takang tanong niya.

"Isa daw doon daw sa intro." napairap siyang tinanggap ang nakalahad na two thousand.

"So pag limang beses akong nahuli ako pa ang may utang sa kanya na two thousand?" di makapaniwalang tanong niya.

"I'm sorry Summer alam mo naman ang kalakaran diba?" pagpasensya ng bakla.

Tumango lang siya, malaki na din itong two thousand kahit papano. Tinapik niya ang balikat nito.

"Ayos lang Apolinario walang problema sa akin" nakatango niyang sabi. Nakapag sign of the cross naman ito ng ilang beses.

"Diosko! It's Polly...anong Apolinario matagal nang patay yan" maarteng sabi ng bakla.

When they heard someone is comingoin their way ay agad silang napalingon.

"Pakecheck ng matres ko Summer dali nalalag" parang bulate na natuyuan ang bakla na hinihila ang nakaayos niyang buhok.

"Apolinario wala kang matres!" nakairap niyang sabi sa kaibigan habang umiilag sa kamay nitong nanghahampas.

She saw him coming their way natural parin ang hitsura nito seryoso na sobrang gwapo. He was also with a very beautiful woman yung ganda na mahiya ka tatabi kasi nga kahit magdamit ka pa ng pinakamahal na damit mukha ka paring mahirap. Nang dumaan ito sa harapan nila ay di man lang sila tinapunan ng tingin kahit ata maglaslas pa silang dalawa ng bakla dito sa gilid they don't care at all.

"Summer ang matres ko pumatong sa likod niya" halos lumuhod na ang bakla sa semento habang parang timang na inaabot ang lalaki na nakalayo na sa kanila.

"Umayos ka nga Apolinario, pati ba matres ngayon multo na?wala ka ngang matres!" nakairap niyang sabi sa kaibigan.

"Ang bango...Summer sobrang bango" kilig na kilig parin ang bakla.

"Mabaho parin yun umutot kaya please lang Apolinario tumigil ka!" di niya mapigilang mapairap at sinuklian naman siya ng suntok hindi biro lang irap lang din.

"Ang bitter mo talaga, palibhasa ampalaya ang ulam mo araw-araw" bulong nito na pumapadyak padyak pa.

"Ampalaya man ang ulam ko araw-araw dahil iyon sa kahirapan ko hindi dahil kalandian nyo pakialam ng nanahimik na gulay sa inyo nasisi pa" di niya mapigilan na sermon.

"Peru ikaw hah! pansin ko kanina mo pa tinitigan habang nandun kayong dalawa sa stage, may gusto ka rin sa kanya no?! Kaya ganyan ka kabitter sa akin " akusa sa kanya ng bakla.

"Apolinario unang una at para malinaw pa sa mineral water di ko siya gusto!" madiin niyang sabi sa bakla.

"Eh, bakit mo siya tinitigan doon sa stage at pasulyap sulyap ka pa sa kanya?" may pagduda parin ang kalahating tao kalahating darna na ito.

"Kasi di pantay ang taenga niya!" nagulat naman ang bakla sa narinig.

"Ano?!" di makapaniwala nitong tanong.

"Yan, di mo alam no?kasi kalandian lang nasa isip mo sarili mo lang iniisip mo" akusa din niya sa bakla.

"Di ako naniniwala sa'yo kasi sa mga billboards, magazine o kahit saan pa wala kang maipintas sa kanya pantay ang taenga niya!" ipinaglaban talaga nito ang lalaki.

"Photoshop Apolinario kahit gawin pa nilang lima ang taenga niya, kayang kaya yun tsaka malaki ang isang daliri niya sa paa" sabi pa niya sa kaibigan.

Nanlalaki naman ang mata nito sa gulat.

"Paano mo nalaman nakita mo?" tanong nito.

Gusto niyang tampalin ang noo ano ano ba naman ang pinagsasabi niya sa bakla.

"Basta! Kung marami ka pang tanong itanong mo na lang kay tulfo sige alis na ako" agad siyang umalis sa harapan ng bakla baka ano pa ang masabi niya rito mahirap na.

Nagbihis siya ng kanyang damit at ibinalik sa alalay ni Mother L ang long gown at nagpasalamat.

When she reach home ay andun na sa pintuan niya ang buwaya.

"Hello there pretty lady Suzy" nakangiti niyang sabi sa landlady.

"Di ko kailangan ng bola Summer marami ako niyan sa katawan kung wala kang pambayad hala lumayas ka sa kwarto mo!" bulyaw agad nito.

"Layas po ba agad? Aleng Suzy naman eh...may pera ako dito one five lang talaga eh kahit baliktarin nyo po ako baka pwede po muna to" pakiusap niya sa buwaya.

Tinitigan parin siya sa nanlilisik nitong mata.

Kung pabibitbitin niya ito ng kutsilyo ngayon mukha na talaga itong killer.

"Akin na!" inilahad nito ang kamay.

Agad naman niyang ibinigay ang pera.

Ang daling naglaho sa kanyang harapan peru nag-iwan ito ng mensaheng nakakaiyak.

"Bukas maniningil naman ako" sabi nito.

Binuksan niya ang kwarto na all in one doon na kasi siya nagluluto at tumatanggap ng bisita.

She switch on the light at tumambad sa kanya ang kanyang mga kayamanan na pinakaingatan.

Dinuro niya ang bawat isa nito.

"Ikaw, Calebb,Gabriel,Phoenix,Pierce at Saint...hays! miss ko na kayo...." napaupo siya sa kama at isa isang pinagmasdan ang mga poster ng mga ito.

They are very rich and successful.

Napatingin siya sa mukha ni Saint o kilala bilang si Izekaia o Kai. Ang hirap talaga pag maraming pangalan.

She know he look at her a while ago but he never recognize her at all.

Ang hirap maging poor!

"Sountrack of my Summer"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon