-Soundtrack 14-

1.1K 28 0
                                    

-Summer-

Di na siya nagulat nang huminto sila sa magandang bahay sa isang exclusive subdivision. Di naman bored ang buong byahe nila dahil masayang kausap si Pierre.

All she thought na siya lang ang hinandaan but she was wrong maraming tao sa bahay nila Tedi.

Ang assuming ko ata sa ako lang ang hinandaan!

"Ahhh... Pierre bakit marami ang bisita?" tanong niya bago sila lumabas ng sasakyan.

"Well it's also a celebration with our younger sister for being top one on Junior High.

Napatango tango siya. Wow ang mga kotse yayamanin, bigatin ang mga bisita.

Pierre just walk coolly beside her. Kating kati na ang mga braso niyang ikawit sa mga bisig nito na mukhang mamasel. Pinigilan niya ang ngiti. Juskolord ang landi landi ko!

Alam niyang tinitigan sila ng mga tao sa paligid peru di na siya nag aksayang pansinin iyon.
Nang hinawakan siya ni Pierre sa braso at iginiya kinilig ata siya ng mga isang sako.

"We will go to Tedi's room first sandali lang tayo at kakain na din tayo." Sabi nito.

Umakyat sila sa sosyal na hagdanan at huminto sa isang kwarto at kumatok ang mahaba at magandang biyas ni Pierre.

"Tedi...were here" sabi nito.

Ilang sandali pa bumukad ang pinto at halos matawa siya sa sitwasyon nitong parang mummy. Balot na balot at mata ilong at bibig lang ang labas.

"Don't you dare to laugh at me Ate!" singhal agad nito ng makitang nagpipigil siya ng tawa.

"Hahaha...." di niya mapigilan ang tawa.

She was laughing non-stop for a minute na kahit si Pierre ay natatawa na rin habang pabagsak na pinagsarhan sila ng pinto ni Tedi.

Na mas tinawanan pa niya.

"Let's go...mamaya mo na kausapin yun" hinawakan naman siya nito at bumaba sila ng hagdanan.

At dahil likas na siyang malandi at pilingera. Feeling tuloy niya prinsesa siya na inanalayan ng isang prinsepe.

Yiee kiligmats!

Nadatnan nila ang mga magagandang lahi na masayang kumakain sa isang hapag kainan.

Biglang natahimik ang lahat parang dumaan si San Pedro at lahat ay napatitig sa kanila.

"Everyone this is Summer ang kaibigan ni Tedi" pakilala ni Pierre.

Alanganin siyang ngumiti.

"Kaibigan?" boses nung isa.

"Kay Tedi lang?" sabi naman nung isa pa.

"Maniniwala ba kami?" sabi naman nung isa.

Pierre just shrugged.

"Bahala kayo, Summer this gang are my family and friends" pakilala ni Pierre sa kanila.

"Ilang months ka nang buntis Hija?" sabi naman nung isang lalaki.

"Tito!" saway ni Pierre dito.

"Kaibigan po ako ni Tedi ngayon ko lang nakilala si Pierre" paliwanag niya sa weird na mga tao sa harapan niya

Aba't biglang nabulungan na parang mga bubuyog. Peru dinig na dinig niya.

"Di daw buntis..."

"Baka nag contraceptives..."

"Sountrack of my Summer"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon