-Summer-
Hindi siya sure kung bahay ba ito ni Kai o ano basta merong dalawang kwarto sa taas at may hagdanan pababa kaya bumaba na siya doon. Nang makababa na siya ay narinig niyang may nag-uusap sa isang banda na may pintuan at nang pumasok siya ay bumungad sa kanya ang seryosong mukha ni Kai a kunot na kunot na ang noo habang nakangiti ang diosang si Erin.
Nasa isang di kalakihang dining table ang dalawa at di pa nagsimulang kumain.
"There you are pretty Summer" nakangiti nitong saad.
Kung magka crush man siya ng babae si Erin iyon she like her smile and her hair. Straight kasi ang ang sa kanya habang yung babae brown na curl.
"Kai, pagsilbihan mo ang prinsesa mo!" nginunguso siya nito habang pinandilatan si Kai.
Kumuha na siya ng bacon at sausage.
"Don't worry kompleto ang kamay ko" she said in light tone.
Amuse naman siyang tiningnan ni Erin.
"pasensyahan mo na ang pinsan ko Summer slow talaga yan sa diskarte peru okay lang naman siya diba?" she have a teasing tone kaya napamaang sila ni Kai na napatingin sa babae.
"okay saan?" takang tanong niya.
"Sa kama..duh" she even rolled her eyes.
Halos maibuga ni Kai ang kape na iniinom at napalunok siya ng di oras sa bacon.
"Erin! " saway ni Kai sa dalaga.
Itinirik lang nito ang mata.
"Di namin yun ginagawa" ewan ba niya iyon ang lumabas sa bibig niya instead e correct ang iniisip nitong may relasyon sila.
Erin gape then made a loud gasp.
"True?" di makapaniwalang tanong nito.
"stop this Erin!" Kai hissed peru di parin matinag tinag si Erin.
"By the way you look familiar" sabi niya sa dalaga.
"Talaga ? Baka nakita mo ako sa isang advertisement o isang billboard o isang brand na inindorse ko noon" kibit balikat na sabi nito bago sumubo.
"Ah oo sa Yasmine Scent" naalala niyang sabi.
"God! naka diaper pa ako noon Summer gravedad ha kung naalala mo ako sa isang clothing line matutuwa pa ako peru sa Yasmine Scent? " naiiling na komento nito tapos bumaling kay Izekaia.
"Kai mukha pa ba akong nene hanggang ngayon?" parang na depress ata.
"mukha kang fetus! Now eat up and leave" seryoso nitong sabi na parang di talaga natutuwa.
"Susssss....diretsahin mo na ako gusto nyo lang mag sex!"
"Erin!!!!" halos lumabas na ang litid sa leeg ng lalaki.
"Ano?" patay malisya lang na tanong nito.
Matalim na na ang matang tiningnan ito ni Kai.
"If you don't want del Pierro's face to appear on my door step now stop it!" stress na stress na ang beauty ng mamang gwapo.
Ngumuso lang si Erin. Tumingin siya sa daku ng lalaki ay nagtagpo ang kanilang tingin. Her heart beat faster again. Parang biglang nanginig ang mga kamay niyang hawak ang kutsara't tinidor.
Nag iwas siya ng tingin at napatitig sa nakahaing pagkain.
Mabuti na lamang at tumahimik si Erin may panakot naman pala si Kai dito. Sino kayang del Pierro iyon.
Matapos silang kumain nag uusap pa naman sila ni Erin peru halata sa babae ang nangingislap na mga mata na kating kati na tudyuin sila peru pag tumitingin naman si Kai dito ay agad lang itong ngingiti ng inosente.
"I can't take you home Erin may meeting ako at exactly 9" sabi ng lalaki.
Nang marinig ang meeting ay parang nataranta ang dandruff niya. May trabaho pa pala siya.
Napasulyap siya sa wall clock alas 8!
Di pa siya naka uwi ng bahay para maligo.
Kung ano ang damit niya kagabi iyon parin hanggang ngayon.
"Is it alright if I will just book you and uber or grab?" tanong nito.
"I will take her home, Kai aalis na din ako kung lalayas ka naman pala anong gagawin ko dito? tutunganga?" saad nito while she sexily crossed her legs.
Tumingin si Kai sa kanya.
"Summ?" untag sa kanya ng lalaki ng di siya kumibo.
"mag uber or grab na lang ako malate na ako sa trabaho ko" agad na siyang tumayo.
"Saan ang sapatos ko?" tanong niya sa lalaki.
Di na niya pinansin ang mga tingin ni Erin.
"Wait I will get it.." sabi nito at napadaku ang tingin sa paa niyang walang sapatos.
Kinuha niya ang cellphone sa bag niya para nakapagbook nang tumayo si Erin.
"hatid na kita" alok nito at sakto namang bumaba si Kai bitbit ang sapatos niya.
"So the prince found the princess slippers dali isuot mo na Kai videohan ko" at nakaumang pa talaga sa kanila ang camera ng phone nito.
Dali-dali na niyang kinuha ang sapatos sa kamay nito at nagmamadaling isinuot.
"Let's go!" nauuna na siyang naglakad na di man lang nagpaalam o nagpasalamat kay Kai.
Sumunod naman si Erin ilang saglit lang nang nag abang siya magbukas ang elevator.
Sakto naman ang pagbukas nito at sabay silang pumasok.
Nang tiningnan niya ang button ng elevator ay lihim siyang napamura nasa sixty floor ang bilang ng floors sa building na iyon at mukhang nasa top floor pa sila.
Paano kaya ako nakarating sa sixty floor na tulog?
Nang makarating na sila ni Erin sa pinagtrabahuan niya ay nagpasalamat naman siya mabuti na lang at malapit lang ito may twenty minutes pa siya.
"Summer, what's your real score with my cousin?" napa ayos siya ng upo at napasulyap kay Erin. The bubbly and tease Erin was gone and now she's looking at the serious and intimidating woman.
"We're friends" sagot niya sa dalaga.
"everything starts with a friends Summer, don't hurt Izekaia isa ako sa mga taong magagalit sa'yo" di man ito nagbabanta peru sobrang seryoso ng tono nito.
"Don't worry it won't happen may iba akong mahal" nginitian niya ito ng matamis.
"Thanks for the ride Erin" iyon lang sabi niya at dali daling lumabas ng kotse.
The day ends as usual, busy siya sa trabaho ni hindi sumagi sa isip niya na wala pala siyang ligo.
Pasimple niyang inamoy ang sarili. Okay pa naman di pa namn nakakapanaw nang ulirat.
Izekaia de Cuesta what are you up to?
Bakit pakiramdam ko minsan nilalandi mo ako?
BINABASA MO ANG
"Sountrack of my Summer"
General FictionTSF-4 BOOK-4 "IZEKAIA" "How can he notice her when she's just an ordinary girl passing by" *This is work of fiction, any name, place, events resembled in real life is not intended* *Not yet undergo proofreading* *Cover Photo Credit: Google