-Soundtrack25-

1.1K 34 0
                                    

-Summer-

Napatigil siya sa pagpara sana sa taxi ng mapansin ang gwapong mukha ni Kai na naka shades habang nakasandal sa kotse nito.

Agad na kumunot ang noo niya peru di siya lumapit sa lalaki. Ilang buwan na din simula nung insidente sa Dark Uni.

He confidently walks in toward her. Hinintay niya itong makalapit ito sa kanya.

"I will drive you home" napaikot ang maganda niyang eyballs. Demanding ni Attorney.

"If I say no?" nakataas ang kilay niyang tanong.

"Wag ka nang mag-inarte it doesn't suits you" deklara nito sa kanya.

"May karapatan akong mag-inarte dahil legal ako na citizen ng Pilipinas at bawat isa sa atin ay may karapatan! Yung akin ngayon ay mag-inarte!" nakapamaywang na sagot niya sa lalaki.

"I don't have enough patient Summer, if you don't want me to drag your ass inside my car you better start walking now!" seryosong sabi nito at pansin din niya ang pagdilim ng hitsura nito.

So? Kung madilim ang hitsura mo  matakot na ba ako? Kahit gawin mo pang rainbow kebs lang!

Dahil may huminto na taxi sa tapat nila dahil may bumaba dali-dali siyang humakbang at pumasok san sa loob peru laking gulat na lamang niya ng may humigit sa baywang niya at umangat siya sa lupa.

"Magnanakaw! Tulong! Magnanakaw!" sigaw niya na parang tanga.

Lahat napalingon peru walang tumulong.

Pinaghahampas pa niya ang kamay ng lalaki na nasa baywang niya habang nagpupumiglas.

Nang maipasok na siya sa kotse nito ay pabagsak nitong isinara ang pintuan at wala pang ilang segundo nakapasok na ito sa loob ng sasakyan at pinaharurut iyon.

"Si Attorney nagdadabog?" inis niyang tanong sa lalaki.

Gusto talaga niya itong iwasan that because when her eyes settled on him agad na umarangkada ang puso niya. Bigla itong nataranta. Pasimple pa niyang nasapo ang dibdib niya ng maglakad ito palapit sa kanya. Then her mind flashes what happened in Dark Uni.

"You're pissing me off" seryoso nitong sabi.

"What do you want?" sumulyap pa muna ang lalaki sa kanya bago sumagot.

"I would like to asked an apology from what happened months ago over a coffee" seryoso nitong saad.

Di siya agad nakasagot. Kasi aminin man niya o hindi ilang gabi din niyang napapanaginipan ang eksena na iyon. Dami pa niyang nilaan na eye bags doon.

Bakit ka magsorry nag-enjoy naman ako.

Gulat na gulat siya sa biglang pumasok sa malandi niyang utak.

"Nag expire na ang momentum mo! It took you what? six months to ask sorry? Ano iyon parang magjowa lang na kailangan mag move on bago makapag hingi ng taos pusong sorry?" pagtataray niya sa lalaki.

"E renew ko." biglang sabi nito na ikinalaki masyado ng mata niya at napaatras pa siya.

"A-anong e renew mo? Izekaia sinasabi ko sa'yo di ako easy to get!" may patakip takip pa siya sa dibdib niya. Tsura niya parang pagsamantalahan samantala siya pa ang mukhang di mapagkatiwalaan.

Lumingon ang lalaki sa kanya amusement was visible in his eyes. Pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang dibdib. Napakagat labi pa siya ng mapansin na inihinto ni Kai ang sasakyan sa gilid ng daan at agad na hinarap siya.

"Bakit hindi ba pwedeng e renew Summer?" he asked in a husky tone at medyo inilapit ang mukha sa kanyang mukha.

Diosko! ang puso ko! Baka heart attack ang labas ko dito.

"Sountrack of my Summer"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon