Her POV
Gulat na naitulak ni maymay si Edward nang marinig ang tinawag nito sa kanya. Hindi makapaniwalang tinitigan niya ang lalaki.
"Ikaw si Mysterious Guy?" Tanong niya dito habang nanlalaki ang mga mata.
Tumango ito sabay iwas nang tingin sa kanya. Namumula ang tenga at pisngi nito tanda na nahihiya. Ang cute niyang tingnan grabe.
"Pano mo nalaman na ako si Cupcake? Simula paba nung una alam mo na na ako ang kasulatan mo sa cafe?" Tanong niya dito. Hindi siya galit ok? Gulat siya.
Edward shook his head saka nito hinawakan ang mukha niya. Then he bend his head para matitigan nang maigi ang mga mata niya na sadya namang awkward pero di rin niya magawang umiwas nang tingin dito.
"No, actually nalaman ko lang after mo ko binabaan kanina. Akala ko nagalit kita so by thinking na nasa coffee shop kapa ay tumakbo na ako papunta dun para humingi sana ng sorry..huli na ng maisip ko ang usapan natin na hindi muna magpapakita ng personal sa isat isa. Then I saw you writing on the spot where I should call our spot, at first akala ko baka coincidence lang pero nung nilagay mo ang papel dun sa ilalim nang upuan that I know na ikaw ang cupcake ko." Mahabang paliwanag nito.
Inis na tinabig niya ang kamay nito na nakahawak sa mukha niya. Saka siya tumalikod at nag simulang maglakad palayo. Pero bago paman siya makahakbang ng panglima ay hinila na siya ni Edward at niyakap ng mahigpit.
"Sorry na cupcake. Promise diko talaga sinasadya na sirain ang usapan natin. Sorry na." Malambing na sabi nito na nagpangiti sa puso niya.
"Oo na, forgiven kana kaya bitaw na pwede."pagtataray kunwari na sabi niya dito.
Edward laugh saka ito bumitaw nang yakap sa kanya. Tumingin ito sa kanya saka bumuntong hininga ng malalim.
"I cant believe na ikaw si cupcake." Sabi nito.
Ngumiti siya dito saka ito pinalo sa dibdib. "Hala siya oh, lalo naman ako. Kaloka never in my wildest imagination na naisip ko na ikaw si Mysterious Guy. Haler sikat ka kaya tsaka nung isang araw lang kita nakita so yeah never ko na isip na ikaw ang kasulatan ko."
Edward laugh again tsaka nito hinuli ang mga kamay niya. Then he pull her close to him for a hug and to her surprise ay hinalikan nito ang noo niya. Takang napatitig siya sa binata na nakatingin din sa kanya.
"Im happy cupcake, ako man ay nagulat nang malaman na ikaw at si Marydale ay iisa pero masaya ako. No rephrase that subrang saya ko."sabi nito habang nakayakap parin sa kanya.
Ewan niya kung bakit pero unti unti ding umangat ang mga kamay niya para gantihan ang pagyakap nito sa kanya. She hug him tight saka niya pinikit ang mga mata at dinama ang kapayapaan na dulot ng presensiya nito.
"Salamat Edward." Bulong ko dito.
Gulat na napamulat siya nang mga mata nang biglang may pumalakpak sa gilid nila. Namumula ang mukha na nilibot niya ang tingin sa paligid at ibayong hiya ang bumalot sa kanya ng mapagtanto na nasa kalsada pala sila Edward at maraming nagkalat na mga kaeskwela nila ang nakatingin sa direksiyon nila. Tiningnan niya ng masama ang kambal nang sabay tumawa ng magawi ang paningin niya sa dalawa.
"Sabi sa inyo eh, girlfriend ni Edward tong si Miss Marydale ." Kaiden said saka siya hinila palayo kay Edward at inakbayan ulit katulad kanina.
Inis na siniko niya ito. Pero tumawa lang ang lalaki.
"Easy Miss Marydale , hindi naman kita aanuhin. Takot ko lang kay Edward."nakangisi nitong sabi.
Namumula ang mukhang tumingin siya sa mga kasama nito na kapwa nakangiti kahit si Nathaniel ay may ngiti din habang nakatingin sa kanya.
"Kai Bitaw."
Napatingin siya kay Edward nang magsalita ito. He was staring at her the whole time at lalong namula ang pisngi niya nang kumindat ito sa kanya.
"Ay grabe sila oh, walang patawad. Nakatayo na ako lahat sa gitna pero ang dalawang to parang ang isat isa lang ang nakikita." Kaiden said na nagpatawa sa grupo maliban sa kanya na halos maging mansanas na ang pisngi sa pula.
Nakita niyang umiling si Edward saka ito lumapit sa kanila ni Kaiden, he grab her from him saka siya inakbayan at hinarap sa mga kaibigan nito.
"Guys I wanna introduce you to Marydale formally. Siya yung kasulatan ko sa coffee shop." Sabi nito na nagpanganga sa kambal at kay Kaiden habang poker face lang si Cyrus at Nathaniel. "Marydale meet my my friends, Jason and Tyson." Turo nito sa kambal na sabay kumaway sa kanya. "Cyrus, Kaiden at Nathaniel." Turo nito sa tatlo na parehong tumango at binigyan siya nang ngiti. Then Edward look at her sabay ngiti nito saka ito tumingin sa mga kaibigan nito na pawang may mga ngiti sa labi.
"Guys meet Marydale , My Cupcake."malambing na sabi nito habang nakatitig sa kanya.
"Ay wala na friend, may nanalo na. Uwian na."kaiden said na nagpahalakhak sa grupo.
Edward look at him na nagpatigil dito. She laugh when Kaiden pout, ang cute kasi. Napatigil siya sa pagtawa nang mapansin na nakatingin sina Kaiden kay Edward, kaya tumingin siya sa lalaki at napasinghap nang makasalubong niya ang mga mata nito.
"Ay wala na bes, hulog na hulog si Kuya. Uwian na talaga."one of the twins said pero dahil di niya maalis kay edward ang tingin ay di niya alam kong sino ang nagsalita.
Napaiwas lang siya nang tingin sa binata nang biglang magring ang phone niya. Agad niya itong sinagot nang hindi tinitingnan kung sino ang tumawag.
"Hello?"
"Hoy Marydale Entrata wag mo kung mahello hello ha, asan ka naba? Pag dika pumasok within 15 mins wawarningan na kita."sabi nang nasa kabilang linya sabay baba nito.
Nanlalaki ang mga matang naptingin siya sa orasan ng cellphone sabay takbo na ikinagulat nang mga lalaking nakapalibot sa kanya. Nang maalala niya si Edward ay lumingon siya dito sabay kaway.
"Sorry malelate na kasi ako sa trabaho. Nice meeting you all, and please call me Maymay masyadong mahaba ang Marydale Bye."sigaw niya sabay kaway bago sakay sa jeep paalis.
-----------////
I hope your enjoying reading this story cause I also enjoy writing it. 😍Vote and comment everyone
Gabriel143
BINABASA MO ANG
Love Cafe (Mayward) completed
FanfictionHave you ever fall in love to a person na hindi mo pa nakikita or nakilala ng personal? Nakakausap mo siya pero sa sulat lang, Ni hindi mo nga alam ang pangalan niya. I know its weird right? But what if it will happen to you? Anong gagawin mo?