Chapter 10

3.3K 302 73
                                    


Her PoV

Hinihingal na kinuha ni Maymay ang sulat sa ilalim nang upuan bago siya umupo dito, kanina pa sana siya nag punta dito pero may pinagawa pa ang prof nila kaya tinakbo niya ang pagpunta dito sa cafe sa harap nang university dahil 30 mins nalang ay magsasara na ito. Matapos makaupo ay hinanda muna niya ang papel at ballpen niya dahil sure naman na susulat siya pabalik diba..

Tumingin muna siya sa paligid nang masiguro na wala si Edward o ang mga barkada nito saka niya binuksan at sinimulang basahin ang liham ng lalaki.


"Cupcake,

In all honesty hindi ko alam kung anong sasabihin ko sayo, kasi hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na ikaw at si Marydale ay iisa. Dahil din sayo kaya ako di nakatulog nang maayos.Ewan ko ba subrang excited ko na makita ka ulit, I hope me and my friends didnt freak you out yesterday cause that would be a bummer on my part. In case youre waiting, I wont say sorry that I already meet and know you. Kung alam mo lang what I feel when I saw you writing in this spot, Hindi ko maipaliwanag cupcake kinulam mo ba ako? Kasi when I see you writing her Im secretly wishing that you and marydale ay iisa. And oh by the way thanks for complementing about my voice hahahaha iba pala pag ikaw ang nagsabi na ang gwapo nang boses ko subrang gay mang sabihin pero kinilig ako dun. Iba ka Cupcake, subrang iba ka. And please know that from now on I will be here for you always Im just a text and call away, im saying this cause I know by now lots of students may bash you and say bad things towards you but please dont let those people be the reason na iwasan mo ako. Wag mo kung iwasan ok? dahil pag ginawa mo yun didikitan kita lalo hanggang sa mapagod ka sa pag iwas sa akin, you are my gem cupcake and finders keepers diba? I found you and Im planning to keep you.

Ps: I know we have a deal to continue writing each other kahit nag kita na tayo and I will keep that, but please dont hesitate to call or text me pag may kailangan ka. Wag mo akong pag aalahanin ok cupcake?

Mysterious Guy"


Namumulang itinakip niya ang sulat sa mukha niya, gusto man niyang sumigaw pero baka palabasin siya nang may ari nang cafe, bes nakakakilig si mysterious guy. pwede mangisay? Nang mapakalma na niya ang sarili ay agad niyang kinuha ang ballpen at nagsimula nang magsulat.


"Mysterious Guy,

Alam mo hindi ko rin alam ang sasabihin sayo ngayon hahaha, kasi naman hindi ko akalain na ikaw si Edward Barber at Mysterious Guy ay iisa. Sa lahat nang estudyante sa University siguro ikaw ang pinakahuling tao na maiisip ko na magsusulat sa coffee shop at makikipag penpal sa akin hahaha imagine mo naman ang gulat ko nang tawagin mo akong Cupcake. Isama mo pa ang mga barkada mo, kung hindi mo po kasi alam kayo ang mga tinitilian nang mga kababaehan sa school. Kayo ang mga ideal boyfriend nila, lalo kana. And speaking of boyfriend bakit mo sinabi sa mga kaklase ko na jowa kita? Mysterious guy naman alam mo bang kalat na sa buong school ang sinabi mo sa classroom ko? Kaya ayan tuloy buong araw walang kumausap sa akin, hindi sa nag cocomplain ako ha dahil wala naman talaga akong totoong kaibigan maliban kay taffy pero kasi nakakaasiwa ang mga tinginan nila tas may kasama pang bulong. At ramdam ko na ako ang pinag uusapan nila dahil habang ginagawa nila yon sa akin sila nakatingin. Would it be too much if I ask you to clarify what you said at sabihin mong hindi mo talaga ako girlfriend? Ayaw k--------------"


"I wont do that."

Gulat na napatingin ako sa taong biglang nagsalita sa may likuran ko.

"Edward."mahinang sabi ko.

Yumuko ito sabay lagay nang magkabilang kamay sa may gilid niya habang siya ay napatingala dito.

"I said I wont do that, I wont clarify things to anyone. I want all the students in the university believe that you are my Girlfriend and that you are mine." sabi nito habang nakatitig sa mga mata niya.

Magsasalita sana siya nang bigla nitong hinalikan ang noo niya, tulala na napatingin siya sa lalaki na may kunting ngiti sa labi habang nakatingin sa kanya.

"Hi Cupcake." malambing na sabi nito.

"Ay bes iba ang gawalan ni Edwardo oh, tingnan mo naman kaninang umaga inangkin na si Marydale na Jowa niya tas ngayon may pahalik halik na sa noong nalalaman. Matanong ko nga kung saang hukage academy siya nag aaral nang magamit ang mga ganyang moves."

Napabaling siya sa gilid niya nang marinig ang nagsalita at namula siya nang makitang si Cyrus na ang laki nang ngisi sa mukha kasama ang iba pa nilang barkada.

"Miss Marydale." she look at Nathaniel nang magsalita ito. "Wag mong pilitin na baguhin ni Edward ang sinabi niya kanina sa harap nang mga kaklase mo. Him telling that your his girlfriend also a way of protecting you. So just let it be, pag may nanakit parin sayo dont worry kami ang bahala." sabi nito sabay ngiti sa kanya.

Napatingin siya kay Edward ng tumikhim ito, "stop looking at him."sabi nito sabay hila sa kanya patayo. She heard the twins laughing kaya napatingin siya sa mga ito pero napanganga siya nang makitang iniligpit nito ang mga gamit siya at inilagay sa bag niya. Habang kinuha namn ni Kaiden ang libro niya at ito ang nagdala.

She look at Edward pero nginitian lang siya nito sabay hila sa kanya palabas nang coffee shop habang nakasunod sa kanila ang mga barkada nito na bitbit ang mga gamit niya.

"Sandali saan mo ba ako dadalhin?" sabi niya na puno nang pagtataka.

Edward stop walking sabay tingin sa kanya.

"Ihahatid ko sa trabaho niya ang prinsesa ko."


------------------------------------/////----------------------------------

Behhhhhhhh bakit kayo ganyan? hahahaha natutuwa ako sa mga comment niyo kaya ito UD para sa inyo. flood me with your comments and votes guys dahil yan ang nakakapagpagana sa akin na magsulat. Again I dont back read so please kung may napuna kayo na mali intindihin niyo nalang. Bye

Have a good day Maywards readers hahaha

dont forget to vote and comment ok?

Gabriel143

Love Cafe  (Mayward) completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon