***
Chapter 5: Connected
"Nothing is RANDOM."
– Unknown
"Hahaha."
Nakatingin ako sa lalaking nakasuot ng Hawaiian short, maging sa I.D nito na may nakalagay na Mars Tiu.
"So you are Mars huh." wika ni Min.
"P-Paano niyo naman nasabing ako eh wala kayong ebidensiya." utal-utal nitong sambit.
Napangiti ako.
"If you are just here in the room, paanong may punit ang nasa itaas na bahagi ng shorts mo?"
Biglang nanlaki ang mata nito.
"At may kakaibang marka sa leeg mo?" turan naman ni Min.
"And I know you knows about elements dahil ikaw ang magaling sa science sa atin dito. Paano mo nagagawang pumatay Mars?" malamig pa ring sambit ni Coby.
Kanina, hindi kaya niya agad naisip na konektado sa science ang mercury na nabasa namin? O baka Greek mythology ang unang naisip niya. Kung sabagay, maaaring oo. Biglang tumawa si Mars.
"Why did you do this to them?!" sigaw ni Coby kaya nabigla ang lahat.
"Akala namin mabubuhay pa si Mike pero huli na."
Tumingin ako sa direksiyon ni Min. Alam kong nagtataka rin siya kung bakit ganito na lamang ang reaksiyon ng lahat nang nalaman nila kung sino ang killer sa mga napatay these past few months sa section nila. Dahil kanina ay parang wala lang pero ngayon may pakialam na sila. They didn't expect that it was Mars then.
"Unfair ang trato nila sa atin. Alam mo hindi ba na galing silang lahat sa star section dati? Na sana ay tayo sa star section pero sila ang ipinalit. Pero buti na lang ay inilagay sila dito dahil may ipinalit na namang mga estudyante sa star section!" galit nitong sambit.
My eyes widened. Biglang napalingon si Min sa akin. Naiisip niya kaya ang naiisip ko? Hindi kaya bitag ang pagpasok sa amin sa star section? Pero bakit? Gagawin ba yun ni Mars ng ganon na lang nang walang tumutulong o umuutos sa kanya.
Bumaling ang tingin ko kay Nicolas.
"Bakit ka nandito?"
Lumingon ito sa akin. Nicolas was also in the star section.
"Siya lang ang nakakaalam na may namamatay rito." tugon ni Coby.
Umikot ang tingin ko sa clinic. Walang ibang tao maliban sa akin, kay Min, kay Coby, si Nicolas, si Mars, sa patay na katawan ni Mike at sa kasama nilang nanghihithit ng sigarilyo.
"I am Yang."sambit nito kaya napalihis ako ng tingin, nga naman at nakatingin pala ako sa kanya.
"So you knows everything before you had entered star section." wika ni Min.
"Humingi ka ba ng pahintulot na makapasok sa star section?" tanong ko.
"Oo. And I am also the one who talk to the principal to entered you both from the star section."
Nanlaki ang aking mata. Naramdaman ko naman na hinawakan ni Min ang kwelyo ni Nicolas.
"Anong gusto mong gawin namin na tulungan sila sa mga nangyayari dahil lang sa hindi paglagay sa kanila sa star section?!"galit nitong wika.
BINABASA MO ANG
IMPETUS (Book II of Momentum Series)
Mystery / ThrillerSelene Charity Martin, a high school student detective, was finally avenged her mother's attempted murder case 7 years ago but had to face another problems and cases.