***
Chapter 9: Aftermath
"You are not really alone in the repercussion."
–Unknown
"Ano ba ang nangyari sa'yo at may dumi ang mukha mo?" bungad sa akin ni Kuya na nakarating na pala.
Si Papa kaya kasama niya? Marami pa akong gustong itanong sa kanya.
Bakit may business na napag-usapan sa secret passage niya nung pumunta ako sa Germany? Why he kept his brothers, Sir Lee, and that Rhobe sa amin? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Sa amin?
"Where's Dad?" pang-iiba ko ng topic.
Napataas ang kilay nito.
"Why you are always changing the topic?" wika nito sabay lapit sa akin.
Hinawakan niya ang aking mukha at pinunasan ito gamit ang hawak niyang panyo.
"Nakipag-away ka ba?" turan nito sabay tingin sa aking damit na may dumi rin.
Ano bang sasabihin ko?
"May nangyari ka–
"Min just told me about everything." bara nito.
"What?! Tapos nagtanong ka pa, tsk." gulat kong singhal sa kanya.
That Min!
"Hey boy and girl. Bakit parang nag-aaway kayo?"
Sabay kaming napalingon kay mama na pababa ng hagdan at papunta sa amin.
"Alam ba niya?" bulong ko sa kapatid.
"Hindi." wika nito kaya mas lalo akong kinabahan. Ayokong mag-alala siya.
"Ah, punta lang ako sa CR muna Ma." sambit ko sabay talikod sana nang nagsalita ito.
"Bakit may dumi sa mukha mo? At bakit gabi ka ng nakauwi? Nakita ko pa si Min at ang tatlong lalaki sa labas na kakaalis lang. Nililigawan ka ba nila?"
Agad akong napalingon kay Mama na may gulat na eksprisyon.
"No way!" mabilis kong tugon.
Tumawa naman ito ng malakas. Tsk.
"Easy anak, si Min ang gusto ko para sa'yo. At isa pa, hindi ko pa kilala ang tatlong lalaki."
The heck?!
"Ma!"
Lumapit ito sa akin at hinawakan ang mukha ko.
"May humawak na babae sa mukha mo mga ilang minuto lang ang nakalipas. Ang dumi sa mukha at ang buong katawan mo ay halatang ikinulong ka sa storage room. Sabihin mo nga sa akin Charity, did you just face a case awhile ago with those guys?" seryoso nitong wika.
Nanlaki ang aking mata. How come– Nga naman, nananalaytay na ata ang dugo ng mga detective sa aming pamilya eh. And Mom was a secret detective after all.
Lumingon ako kay Kuya na nakapokerface lang.
"Akala ko ba hindi niya alam?"
"You already knew the answer." tugon nito.
Napayuko na lamang ako.
"I am sorry Mom"
Narinig kong napahinga ng malalim si mama.
BINABASA MO ANG
IMPETUS (Book II of Momentum Series)
Mystery / ThrillerSelene Charity Martin, a high school student detective, was finally avenged her mother's attempted murder case 7 years ago but had to face another problems and cases.