Chapter 21: Encounter

668 13 0
                                    

***

Chapter 21: Encounter

"The joy of life comes from our encounters with new experiences, and hence there is no greater joy than to have an endlessly changing horizon, for each day to have a new and different sun."

               – Christopher McCandless


"Tek– bat kayo sumunod?" bungad sa amin ni Rhobe nang nasa tapat na kami ng isang pinto.

Pero teka, kami? Akala ko ako lang ang nagtakang sumunod pero tama nga, hindi lang ako ang may dugo ng pagiging curious at detective.

Lumingon ako sa aking likod. It was Min kasama sina Duri at Nicolas.

Asan ang iba? Well, kung sa bagay ay baka nga sinamahan ni Yuan ang mga classmates ko sa sinasabing dorm ni Rhobe na siyang obligasyon ni Yuan. And we, the new students here as the exchange from Southville High na hindi alam ang West Philippine Academy except Duri and Yuan, are now facing the first case for being here.

Great. Great welcome. Sa mga exchange students kaya ng school na ito papuntang Southville, magiging ganito din ba? Tsk. My school was the type of silent and peaceful pero hindi mo alam na may nangyayari na pala araw-araw simula nong first case ko, when I was first year. At ayoko munang alalahanin yun. That was my first, but suck first case ever kasama si Min.

"Well Sir, nandito kami para tumulong." tugon ni Nicolas.

Muli itong tumingin sa pinto. It was color violet like their uniforms at may nakalagay na Grade 9-A sa taas ng pinto. Pinunasan ko ang pawis na nabubuo na sa noo ko. Tumakbo kami papunta sa 3rd floor, in the center building at nakakalula sa sakit sa paa.

Hindi ko na narinig na nagsalita ito. Mukhang ayaw niyang magsayang ng laway like my father.

Agad na binuksan ng babae na nagreport kanina kay Rhobe ang pinto. At tumambad sa amin ang nagkalat na mga upuan at ang isang babae na nakatingin sa lalaki na nakahiga sa sahig at may palasong nakatarak sa kanyang noo.

Arrow.

In my premonition. Was it connected to my premonition?

No. Napalingo na lamang ako at lumapit sa lalaki. If Sir Febbie said all girls were killed therefore, it wasn't connected to the main case. Pinagmasdan ko ang katawan ng lalaki. There is no open wounds except the wound on his forehead made by the arrow.

Tumingin ako sa direksiyon ng babae.

"Alam mo ba ang nangyari?" tanong ko.

Nahagip kong lumapit si Min sa bintana kasama si Duri. Habang sa peripheral view ko nama'y nakatingin lang si Sir Rhobe sa amin, palipat-lipat ang tingin niya sa amin pero, his stares was like, don't have care at all what is happening. Gosh, then ano ang ginagawa niya dito?

Itinuro ko sa kanya ang teachers table para doon kami mag-usap. Pumunta ako doon pero hindi ko naramdamang sumunod ito kaya napalingon ako sa direksiyon niya na nakatayo lang sa kinaroroonan nito. This is why I hate interrogation, some of interviewee are hardheaded. Pero hindi ba niya alam na nasa dugo ko ang pagiging palaban kaya muli akong nagsalita, sa mas malakas na at may awtoridad.

"Come. Dito tayo mag-usap."

Pero mas lalo akong nairita nang pinagmasdan niya lang ako kaya lumapit ako sa kanya. This girl makes me high blood.

Akmang hahawakan ko na ang braso nito nang nagsalita si Rhobe kaya napatingin ako sa kanya.

"Go on Rachel. You don't know what she can do." turan nito kaya tumaas ang aking kilay.

IMPETUS (Book II of Momentum Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon