***
Chapter 13: Discovery
"We must risk going too far to discover just how far we can go."
– Unknown
"Ano ba ang nangyari sa kanila?" bungad sa amin ng nurse dito sa malaking clinic.
"Just help them first!" sigaw ko.
Hindi ko na narinig na nagsalita ang nurse kaya tinulungan ko na lang sila Min sa pagkarga sa ibang estudyante. Isang oras na ang nakalipas pero wala pa ring gumigising ni isa sa kanila. Umupo ako sa sofa.
I was about to close my eyes nang may tumabi sa akin. Tumingin ako sa direksiyon nito. It was Min.
"Lean." sambit nito. My brows rise.
"I said lean."
Tumaas na ang boses nito kaya mas tinaasan ko rin ang aking kilay.
"Why wou–
Hindi na ako natapos nang inilapit niya ang aking ulo sa kanyang balikat. Naramdaman kong uminit ang aking pisngi.
"Sleep." wika nito.
"Inuutusan mo ba ako?" wika ko sabay pikit sa aking mata.
"Nope. I am pleading. Please?"
The heck! What's wrong with this guy?
Minulat ko ang aking mata at tumingin sa kanya na nakatingin sa akin ng seryoso.
"Why?"
Iniwas nito ang tingin sa akin pero hinawakan nito ang aking mata at pinapikit.
30 seconds. I didn't heard him talking again kaya hindi na rin ako nagsalita pa.
"Min. Ano ang pinag-usapan niyo ni Inspector nung hinahanap ka niya?"
"Humihingi siya ng tulong sa akin."
Humihingi ng tulong?
"Bakit raw? Para saan?"
"He wants me to enter Coby's group."
Bigla akong napatayo.
"At sasali ka?" gulat kong tanong.
"Boo, kasali ang kaibigan niya sa mga napatay ng grupo nila Coby. At gusto niyang malaman kung ano ang ginagawa nila sa mga bangkay." seryoso nitong sambit.
So, Inspector was also in that situation. Ano nga ba ang ginagawa nila sa mga bangkay? Pinagmasdan ko siya.
"So sasali ka?" muli kong tanong.
"Wala sa plano ko ang sumali, but I made a promise to him that I will find out what is really happening." tugon nito.
Muli akong napaupo.
"Nawala na lang bigla ang mga bangkay doon sa storage room."
In my peripheral view, napatingin ito sa akin.
"Bumalik ka doon?" naiinis nitong tanong.
"I was so damn curious about it." turan ko.
BINABASA MO ANG
IMPETUS (Book II of Momentum Series)
Misteri / ThrillerSelene Charity Martin, a high school student detective, was finally avenged her mother's attempted murder case 7 years ago but had to face another problems and cases.