Chapter 37: Father

605 11 0
                                    

***

Chapter 37:  Father

"My Father was my Teacher, but most importantly he was a great dad."

                        – Beau Bridges

"Duri was okay. We'll just wait when he will be waking up."

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Min. Napaupo ako sa malapit na upuan dito sa tapat ng room ni Duri. Almost 3 hours rin kaming naghintay bago nakapasok si Min at nagtanong tungkol sa nangyari.

Napahawak ako sa aking dibdib. Si Gyeong.

"I will go to Gyeong's room." wika ko sabay tayo.

Hindi ko narinig na magsalita si Min kaya nagpatuloy lang ako. Please Gyeong. Sana gumising ka na.

"Ano na ang nangyari?" bungad ko kay Matthew na kakalabas lang galing sa kwarto ni Gyeong.

Tumingin ito sa direksiyon ko. Nakikita ko sa mga mata niya ang iba't-ibang emosyon pero ang higit na nakatawag pansin sa akin ay halos pula na ang mga mata nito.

"Hindi pa siya gumigising."

Hindi ako sumagot at nagsimulang maglakad palapit sa pinto nang nagsalita ito.

"Selene. I am sorry to tell you this, pero pwede mo bang layuan muna si Gyeong?"

Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa direksiyon niya.

Siguro nga tama siya. I need to avoid Gyeong in order her to keep safe. Tama na naman ba si mama? Na kailangan ko ng itigil ang pagiging detective. Pero naging kasama ko na si Gyeong bago pa man ako umabot sa ganito.

"You don't need to tell me about that. I will avoid her, but she will still find me. You are not in the position to tell that. I will be with here whether in happiness or in sadness. You know that Gyeong is one of my family." seryoso kong wika.

Napayuko ito at umupo sa may upuan na nasa gilid ko.

"I-I just want to keep her safe as long as I can. I-I am the reason why Shin was get killed right? Sasha killed her aside from what was her other reason. And now, G-Gyeong."

Tumalikod ako at hinawakan ang doorknob.

"I understand you because I was in that situation. Hindi lang ikaw ang nag-aalala at nagmamahal sa kanya." wika ko.

"Now I know they like you."

Bigla akong napalingon sa kanya.

"What do you mean?"

Hindi ito sumagot kaya pumasok na lang ako. Matt had suddenly changed for awhile, hindi lang talaga ako sanay dahil nasanay akong pasaway siya. And what does he mean about "Now I know they like you?"

Is it Duri? Or Yuan? Or Gu? No. Ayoko na lang isipin dahil mas marami pa akong iniisip sa ngayon.

"Gyeong." bulong ko sa hangin.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.

"Gumising ka na. Marami ang naghihintay sa'yo. Nandito ako, sina Min, Yuan, Duri, si Matt. And you like Jun right? I can feel it. He is also waiting for you. Tinawagan na siya ni Min o ng P. O. D na nakakaalam sigurado ako. So please Gyeong, gumising ka na."







IMPETUS (Book II of Momentum Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon