Chapter 23: Knights

672 14 0
                                    

***

Chapter 23: Knights

"A true knight is fuller of bravery in the midst, than in the beginning of danger."
              Philip Sidney


"You are the exchange students from Southville High and merged in one section, but now because of your different strands and tracks you will be divided." bungad sa amin ng Principal nitong school na si Miss Laida.

Inikot ko ang tingin sa buong office. Mas malaki sa office ng Southville. Maraming mga pinta ang nakasabit sa bawat sulok ng pader rito at dalawang vase na may nakalagay na violet at tiger orchid sa mismong table ng Principal at sa katapat na table nito na mismong kaharap namin. It seems we just have a normal conversations in a cafeteria. Para lang kaming mga nag-uusap sa hapagkainan.

"But Ma'am, is it really necessary to us to be divided? You know the issue here." tugon ni Yuan.

Mukhang siya lang ang may lakas ng loob na kumausap sa babae lalo't alam nitong pamangkin siya ng may-ari.

"Mr. Johnson, wag kang mag-aalala naghahanap na ng solusyon ang mga knights ng West Philippine Academy." sagot nito.

Pero teka, knights? What the fudge, ano to parang sa drama lang? There is some knights? Ito ba yung cheap half story ng school na'to?

"Knights?" halos sabay-sabay na sambit naming lahat.

Nagkatinginan kami ni Min na para bang nakikipag-usap kami sa aming mga isip. Muli akong lumingon sa babae.

"You will meet them soon." turan nito na may ngiti sa labi na para bang sigurado siya sa sinasabi niya.

"So how will you divide us?" bara ni Duri na may inis sa boses nito.

Tumingin ang Principal sa amin. Inisa-isa niya kaming tinignan.

"Iba ang mga babae at lalaki."


"Mag-ingat kayo Selene." nag-aalalang bungad sa akin ni Yuan nang nasa tapat ng pinto na kami nila Gyeong, Shin at ng iba ng Grade 12 section A HUMSS, GAS at STEM.

Hindi ko siya pinansin at tumingin sa direksiyon ni Min na nakatingin sa akin ng wala man lang emosyon. Iniwas ko na lang ang aking tingin sa kanya at hinawakan ang doorknob.

"Take care Selene." rinig ko pang wika ni Duri hanggang sa nilamon kami sa loob.

Tumambad sa amin ang ilang estudyante na nakatingin sa amin. Bakas sa mga mukha nila ang pagkabigla. Well, our uniforms was different from them. Sabi rin kasi ni Miss Laida na hindi na kailangan na magsuot kami ng uniform ng school na'to since we are just exchange students.

"They are from Southville High." rinig kong bulong ng isang babae na nakasuot ng red hairband sa katabi nito na sobra pa kay Anne kung maglipstick.

Tsk.

Naramdaman kong lumapit sa akin si Shin.

"Parang gusto nila tayong kainin."

Napangiti na lang ako at napalingon kay Lin na nakapameywang.

"Well, we are definitely from great Southville High." mayabang nitong wika na sinang-ayunan ng mga alipores niya.

Napalingon ako sa guro nitong room na nakangiting nakatingin sa amin.

"You may now introduce yourselves ladies." turan nito.

IMPETUS (Book II of Momentum Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon