***
Chapter 32: Arson ( part 2)
"If you can't be kind, be quiet."
– Unknown
"Selene! Wag mo lang ilayo ang panyo sa ilong at bibig mo!"
"Hintayin mo ako. I will get you and out."
Napalingon ako sa taong iyon. He was kicking the debris. I smiled. Min.
I just thought that everything was an illusion. What I felt and what I think about you. It's quite crazy, but I think I know what was my heart and mind says. Parang nagslow-mo ang lahat nung tuluyan na niyang nakuha ang mga debris at pumasok dito. Pinagmasdan niya muna ako bago kinarga na parang bagong kasal hanggang sa nakakalayo na kami sa 3rd floor kaya pinigilan ko siya.
"May n-nakita akong anino sa r-room na yon."
Tumingin ito sa itinuro ko maging si Gu. Muling lumingon si Min sa akin kaya nagkatinginan kami ng ilang segundo.
"Bantayan mo siya Gu. Ako na ang maghahanap sa ibang ebidensiya." wika nito at ibinigay ako kay Gu.
Now, Gu is carrying me.
No! Bakit ba gumagawa siya ng mga bagay na ayaw ko? Wala ba siyang pakiramdam? Hindi niya alam na may nag-aalala dito?!
"You bastard! Lumalaki na ang apoy!" sigaw ko.
Kahit nakakalayo na siya at ewan ko kung naririnig pa ba niya pero bigla itong napahinto at lumingon sa akin.
"This is what I felt when you do things without my consent!" sigaw rin nito at nagpatuloy na habang ako ay tulala sa narinig.
I-Ibig sabihin nag-aalala siya sa akin sa tuwing gumagawa ako ng mga bagay na wala sila? Kaya ba nung pumunta ako sa greenhouse ay kasama siya?
"Selene. Tara na."
Napalingon ako kay Gu na nakatingin sa akin. And his eyes was somewhat full of pain and suffering. What does it mean? Huminga ako ng malalim at tumango.
Hanggang sa narating namin ang 2nd floor nang may nahagip akong maliit na cellophane. Ewan ko ba, parang may nag-udyok sa akin na kunin yun kaya bumitaw ako kay Gu na inalalayan naman niya ako na makalakad doon.
Kinuha ko ang cellophane at inamoy ito. Polbora to ah. Napalingon ako kay Gu na nakatingin sa may hagdan kaya napalingon ako doon.
N-Nasusunog na ang h-hagdan.
"N-Nasa taas pa si Min!"
Akmang tatakbo na sana ako nang pinigilan niya ako.
"Look Selene. You know we can't go there."
Huminga ako ng malalim at tinaboy ang nakahawak niyang kamay sa braso ko.
"Kung di mo magawa ako ang gagawa." turan ko at muling tumakbo papunta sa hagdan.
Tinaboy ko ang maliit na debris ng pader na nasa kanang bahagi ko at nagpatuloy. Kahit ramdam na ramdam ko na ang init ng naglalagablab na apoy ay hindi ko ininda at nagpatuloy pa rin hanggang sa narating kong muli ang 3rd floor.
Napalingon ako sa aking likod nang may biglang humawak.
"He'll kill me if I cannot protect you."
Napangiti na lamang ako sa sinabi ni Gu at muling tumalikod.
"Let's find him."
BINABASA MO ANG
IMPETUS (Book II of Momentum Series)
Misterio / SuspensoSelene Charity Martin, a high school student detective, was finally avenged her mother's attempted murder case 7 years ago but had to face another problems and cases.