Chapter 34: Past

602 11 2
                                    

***

Chapter 34: Past

"Whenever I think of the past, it brings back so many memories."

                   – Steven Wright

Duri's POV

I suddenly holds her hand. I feel that she is trembling so I want to make her comfortable, but I saw Min's hand who is holding her too. I sigh.

'So, ano ang nakaraan mo sa Seung Duri Yung?'

Muli akong napalingon kay Ji. Tinanggal ko ang pagkakahawak sa kamay niya at lumapit na ako sa kanya sa pagkakaupo. Yung halos naramdaman kong magkalapit na ang aming braso. In my peripheral view, lumapit rin siya ng kaunti kay Ji.

I smirk. He was also fighting for it huh. This suck love triangle, oh I guess more than a love triangle. Yuan was really attracted to Ji even Gu. And I also feel that Darrell was attracted to her even Copper. Ang ganda talaga ng Ji Hye ko. I mean, bakit parang may magnet siya kaya napapalapit ang mga katulad kong gwapo sa kanya?

Napapikit ako at inaalala ang nakaraan ko mula elementary.

'Hoy Duri! Sagutan mo nga tong Math ko pati English. Maglalaro lang kami nila Emily.'

'Hoy Duri! Ayaw mo bang sumali sa laro namin?'

'Duri! Ano? Tapos na ba ang assignment ko? Kanina ka pa tulala diyan ah. Baka gusto mong matulog ulit sa bodega.'

'Hahaha.'

'Duri. Ah, gusto mo ng mamon?'

Napalingon ako sa nagsalita. Sa kanya na nasa harapan ko at may hawak na dalawang mamon. Ikalimang beses na rin to na kinukulit niya ako simula nong grade 3 pa kami hanggang ngayon, grade 6 na kami. Ewan ko ba, ayaw ko namang isipin na may gusto siya sa akin kasi baka nagmamalasakit lang pero, parang oo eh. Parang may gusto siya sa akin.

Umiling na lang ako at tumayo. Gusto kong magpahangin mula sa masalimoot at magulong room na ito. Ang hihina ng mga tao. Ang hihina ng mga utak nila. Para silang mga ahas na kailangang itaboy.

Naramdaman kong napahawak siya sa braso ko kaya tinabig ko ito pero laking gulat ko na lang nang may bumagsak kaya napalingon ako sa kanya. Hindi na niya hawak ang mamon dahil nasa sahig na ito. Nakatingin lang siya doon na para bang nanghihinayang.

Muli itong tumingin sa akin pero akala ko ay magagalit siya pero bigla itong ngumiti.

'Sige lang Duri. Bibili ako ng bago–

Pinigilan ko siya at hinawakan sa braso.

'What do you think you're doing?'

Hindi pa rin umaalis ang ngiti sa labi nito kaya mas lalo akong nainis. Bumitiw na ako sa pagkakahawak sa braso niya at agad na naglakad palabas.

'Duri! Ito oh tutal matalino ka naman! May 10 pesos kang baon.'

'Naks naman si Duri oh! Ang ganda ng sapatos natin ah? Akin na to ah?'

Napalingon ako kay Reil at hahawakan na sana niya ang sapatos nang pinigilan ko siya. I hold his wrist tightly.

'Aba lumalaban na siya!'

Nahagip ng aking peripheral view na papunta na ang kamao ni Jung sa pisngi ko kaya iniharap ko si Reil kaya sa mukha niya lumanding ang matigas na kamay ni Jung.

Agad akong naglakad palayo sa kanila at pumunta sa likod ng Byokuk Elementary School kung saan doon ako pumupunta sa tuwing nababadtrip ako. Isa lang naman siyang garden na may isang bench. It was a secretive place kaya medyo malimit lang ang nakakadiscover gaya ko.

IMPETUS (Book II of Momentum Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon