BEYOND WHAT YOU SEE

171 2 0
                                    

BONG SOON'S POV



Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Hindi ba ako nabibigla sa bilis ng mga pangyayari? Pumayag akong magpakasal kay Min Hyuk dahil alam kong mahal ko siya. Pero bakit biglang bigla akong dinapuan ng ganitong kalungkutan?



Maaga akong umalis ng bahay. Tulog pa silang lahat. Nagdala ako ng ilang pirasong damit. Sumakay ako ng bus... patungo sa terminal ng tren patungong Busan. Pupuntahan ko si Geong shim...



"Geong Shim...papunta na ako ngayon dyan sa inyo...Basta, dyan na tayo mag-uusap. I'll turn off my phone." Ayoko kasing masundan ako ni Min-hyuk. Alam kong kayang kaya niya akong hanapin ganapin ang GPS. Bigla kong nasalat ang aking leeg. Hala, nasaan ang kuwintas ko? Bigla akong napapikit..."Huwag na huwag mong tatanggalin ang kuwintas na ito sa leeg mo. Ito ang magliligtas sa iyo." OMGGG! Nasaan na? Teka... Oh gosh, naiwan ko nga sa lababo sa loob ng aking banyo. Hay, nakakainis naman. Baka mamaya may gumamit sa banyo at hindi iyon mapansin. Lagot ako kay Min-hyuk kapag hinanap niya iyon sa akin.



Sumakay ako ng bus patungong subway sa Seoul Station. Naghintay ako ng Airport Rail Express (AREX) connecting to Incheon Airport. Doon na rin hihinto ang tren. Tuwing 12 minuto dumarating ang mga tren. Mula sa Incheon ay may apat na oras pa ang lalakbayin ko bago makarating ang tren sa Busan Station.



Mahal ko naman si Min-hyuk pero anong ikinatatakot ko. It is an unnecessary feeling pero hindi ako puwedeng magsawalang bahala na lang. Kung ganoon lang kadali kay Min-hyuk ang lahat, sa akin... para sa akin... nakasalalay sa akin ang magiging kinabukasan ng aking magiging mga anak.



Paano kung babae sila? Matutulad sila sa akin. Mahina ang ulo ko at kakaiba ako sa mga kababaihan. Hinayaan kong makilala ako na mahina kaya ako nabu-bully. Palagi nga akong pinagagalitan ni Mama at iniiisip niya na ako palagi ang pinagmumulan ng gulo. Masyado niya akong hinihigpitan para di ko daw makalimutang hindi ko po puwedeng gamitin ang lakas ko para makasakit ng inosenteng tao dahil ito ang magiging dahilan upang bawiin ang pambihirang kakayahan na ito.



Nakatikim ako ng madaming hampas at palo kay Mama. Ni wala akong naramdamang sakit pero kapag nagsimula na niya akong ikumpara kay Bong Ki, doon na ako nasasaktan ng todo. Masakit sa kalooban, higit sa pisikal na hampas at palo na ibinibigay niya sa akin. Ramdam ko ang sakit, tagos sa puso at masama talaga ang loob ko. Maraming araw at gabi na umiiyak akong mag-isa sa loob ng aking kuwarto. Si Papa ang umalo sa akin.



"Ang aking mahal na Bong Soon, mahal ka ni Papa."



"Papa, bakit po ganoon si Mama? Si Bong Ki lang po ba ang mahal niya?"



"Mahal ka din ng mama mo...anak ka rin niya di ba?"

MARRYING DO BONG SOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon