MIN HYUK'S POV
Si Bong Ki ang nagdrive ng kotse namin. Nasa front seat ako sa tabi niya para walang makasagi sa akin. Hindi pa lubusang magaling ang hita ko. Si Bong Soon ang nasa back seat kasama ng mga bata. Katabi niya si Charlie.
Sina Mama at Papa ay nasa kasunod na sasakyan. Nandoon din ang wheel chair ko at ang mga pagkain namin.
Syiempre, Girl Scout ang aking si Bong Soon...alam niya ang kailangan ng mga bata kaya may mga feeding bottles pa rin kami sa kotse. First time nilang magbiyahe sa labas.
Bago kami lumabas ay todo ang bilin namin sa kanila.
WALANG TATAKBO DAHIL BAKA MAGKAROON NG LINDOL...Tapos tatawa pa sila.
HUWAG MAKIKIPAG-USAP SA DI KAKILALA...Takot lang nila.
PALAGI LANG KINA MOMMY AT DADDY. Para huwag mawala.
Hmm, speaking of para huwag mawala, lahat sila ay binigyan ko ng kuwintas...hugis-susi iyon tulad ng kay Bong Soon pero kung itim ang bato ng kuwintas niya, kulay pula sa mga batang babae at blue kay Charlie.
Hindi ko sinasabi kay Bong Soon na may tracking device iyon para di sila mawala sa paningin ko. Hindi nila ako matatakasan and I still have a way to find them. Hindi pa nadidiskubre ni Bong Soon ang lihim na iyon.
Ni hindi siya nagtataka kumbakit alam kong umalis siya sa bahay at kung nasaan siya.
May sarili naman kaming sasakyan patungon ng Daepohang Light House sa Sokcho, iyon ang unan naming dinaanan. It was a coastal area kung saan makikita din ang Seoaksan Mountain. Dito kami unang nag-date ni Bong Soon. Nangingiti siya ng masulyapan ko siya. Habang itinuturo sa mga bata ang madaming ibong seagull na nagliliparan.
"Mommy, what is that?" Tanong ni Happy...
"Ah, that is a lighthouse..."
Dito din kami kumain ng speciality dish nila na, dakgangjeong (bite pieces of sweet and spicy chicken), habang naglalakad kami noon dito.
Kumuha kaming muli ng picture doon kasama ng mga bata, syiempre, naka-wheel chair pa rin ako. Naglakad ang mga bata kasama nina Mama at Papa at si Bong Ki.
BINABASA MO ANG
MARRYING DO BONG SOON
FanfictionLife will never be the same without my Bong Soon. I will never let the night without her by my side. And we will live happily ever after...