GEONGHIM'S POV
Nalaman ko kina Mr. at Mrs. Do ang nangyari sa kanilang mga apo. Kahit mayroon kaming di pagkakaunawaan ni Bong Ki ay napaluwas akong bigla sa Do Bong – dung upang samahan at alalayan si Bong Soon. Sa Do Bong – dung ako dumiretso. Sasabay na lang ako sa kanila patungo sa tirahan nina Min Hyuk at Bong Soon.
Hindi naging maayos ang paghihiwalay namin ni Bong Ki. Hindi rin niya ako sinundan hanggang sa makauwi na ako sa Busan. Hindi rin niya ako tinawagan. At dala na rin ng aking pride, hindi ako ang mangungunang makipagkasundo sa kanya. Kaya ng magkita kami sa bahay nila , parehong awkward. Pormal naman akong bumati sa kanyang mga magulang. Hindi ko maintindihan ang ngiti niya. Alanganging ngiti o simangot eh.
Hindi kami nag-iimikan sa hapag-kainan at parehong nagsisikuhan ang mag-asawa habang magkatapat lang naman kaming dalawa sa pagkain. Hindi ko magawang magkuwento. I am not happy. Lalong walang dahilan para magsaya dahil nawawala ang mga apo nila.
"Ano na po ang sabi ng mga pulis? Nagpa-blotter na po ba sina Bong Soon?"
"Pauwi pa lang si Min Hyuk. May Game Expo kasi ngayon sa HongKong sabi ni Ate." Sagot ni Bong Ki pero hindi ako tumitingin sa kanya. Nakayuko ako at ngumunguya ng pagkain.
"Ah, ganoon ba?"
"Salamat pala sa fish cake na dala mo. Na-miss ko ito." Sabi niya atsaka siya sumubo. " Mas na-miss ko yung taong nagdadala nito para sa akin." Pasimple niyang sabi at nanlaki ang mata ng mag-asawa.
"Geongshim...hindi mo ba talaga kakausapin si Bong Ki."
"Ajumma...."Nakita kong nakasimangot siya. Nangingilid ang luha niya.
"Mag-uusap po kami mamaya, Eomma."
"Mag-usap kayong mabuti, Geongshim. Nadadaan naman ang lahat sa mabuting usapan di ba? Pakinggan ninyo ang isa't isa. Intindihin ninyo ang mga sasabihin ninyo saka kayo magkasundo." As ever kalmado naman palagi si Mr. Do.
Hindi pakikipagkasundo ang ipinunta ko doon. Kung mag-uusap kami ni Bong Ki, sisiguraduhin kong puputulin ko na ang relasyon naming dalawa kung balak naman niyang makipagbalikan kay Hee Ji. Ayokong makasagabal sa kanilang dalawa tutal mas bagay naman talaga sila.
Si Mrs. Do ang naghugas ng mga pinagkainan namin. Hinila kaagad ako ni Bong Ki sa kuwarto ni Bong Soon upang makapag-usap kami ng sarilinan.
BINABASA MO ANG
MARRYING DO BONG SOON
FanfictionLife will never be the same without my Bong Soon. I will never let the night without her by my side. And we will live happily ever after...