OUR JOY AND HAPPINESS

204 1 0
                                    

MIN HYUK'S POV



Masaya kaming sinalubong ng buong kompanya. Pati sila ay nakisaya sa aming dalawa ni Bong Soon sa magandang balita. Magiging daddy na rin ako. May malaking banner ng pagbati mula sa lahat ng department ang bumungad sa amin pagbaba namin ng kotse.



Pagpasok namin ni Bong Soon ay bumagsak ang mga confetti.



"Congratulations, Mr. and Mrs. Ahn..." Bati ng lahat. Lahat ay walang pagsidlan ng tuwa ng araw na iyon. At halos mapuno ng bulaklak sa loob ng aking opisina at sa opisina ng Strategy Department. May nagbigay pa ng mga stuffed toy kay Bong Soon na may kasamang lobo. Busy din si Bong Soon sa pagtanggap ng tawag sa kanyang cellphone kaya nandito lang muna siya sa aking opisina habang abala akong pina-follow up ang mga updates ng mga laro namin. Pagkaminsan ay sinusulyapan ko siya, kinakawayan at nagpa-flying kiss pa ako.



Naging maselan si Bong Soon sa kanyang pagbubuntis. Hindi na siya advisable na magkape. Pansamantala eh bawal na muna sa kanya iyon. Madalas pa rin kaming sumabay ng kain kina Mr. Oh at Secretary Gong sa cafeteria kaya lang ako ang pinaubos niya ng kanyang pagkain. Palibhasa ay masarap ang pagkain ay nakisubo din sina Mr. Oh at Secretary Gong, hayun, pagbalik namin sa mga opisina namin...grabeh, hindi ko napigilan ang antok ko. As in, antok na antok ako.



Ano bang klaseng antok ang dumapo sa akin? Hindi ko mailarawan ang antok ko. Nang magising ako eh pupungas- pungas si Secretary Gong na pumasok sa opisina ko.



"Sir pasensiya na po kayo... Nakatulog ako. Hay, first time kong antukin ng ganoon." Mabuti at wala naman akong dadaluhang seminar o miting dito .



"Kagigising ko nga lang din eh..." Nanlaki ang mga mata namin kaya napasilip kami sa Strategy Department, nakasubsob pa rin si Mr. Oh sa kanyang mesa. Napapikit ako...di magandang idea ang pagkain namin ng kinainan ni Bong Soon, nasa stage pa rin siya ng paglilihi.



"Uy gising na kayo??? " Tanong ni Bong Soon habang hawak niya ang isang pint ng rocky road na ice cream. "Gusto ninyo..." Yaya niya sa amin. Nagkatinginan kaming muli ni Secretary Gong at pareho kaming umiling.



"Sige lang , Sweety. Kain lang ng kain para di ka magutom..." Mabilis na umalis si Secretary Gong.



"Anong nangyari doon?" Nagtataka pa siya. Gusto kong matawa. Di ko masabing mabagsik ang epekto ng paglilihi niya sa aming tatlo nina Mr. Oh. "Grabeh, Min Hyuk si Mr. Oh, humihilik sa opisina. "



"Bakit? Natutulog ba siya?"



"Puwede ba iyon? Oras ng trabaho, natutulog siya?" Di ko lang masabing siya ang dahilan kumbakit...Maya-maya lang ay nakita naming papasok siya sa opisina ko. Sige ang kain ni Bong Soon sa tabi ko.

MARRYING DO BONG SOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon