SUPERMOM

164 2 2
                                    

BONG SOON'S POV

Hindi ganoon kadaling mag-alaga ng anak na babae

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ganoon kadaling mag-alaga ng anak na babae. Pero sa kaso ko kasi at sa higpit ni Mama, I can assure you na dahil sa takot ko sa kanya at itinago ko at iningatang mabuti ang sikreto ng aking super strength.



Ako na minsang naging anak, ngayon ay ina na rin ako.



Nakita ko kung gaano kasaya ni Min Hyuk ng malaman niyang buntis na ako. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng takot ko, lahat ng pangamba ko tungkol sa pagkakaroon ng anak na babae hanggang sa paglilihim ko sa kanya ng gumamit ako ng pills para hindi kaagad magbuntis. Ngunit , walang lihim ang di nabubunyag. He's instinct caught me. Sa medicine cabinet , sa loob ng banyo ko naiwan ang aking pills.



Hindi ko naisip na masakit ang ulo niya at doon siya kumuha ng gamot. Dati naman, sa akin niya sasabihing masakit ang ulo niya, saka ko siya ikukuha ng gamot. Siguro paraan na rin iyon para itigil ko ang ginagawa ko. Ilang araw din siyang nanahimik. At alam kong malamig ang yakap niya sa akin. I have no idea what's going on with him. When I told him to go home by himself, umuwi nga siya samantalang nagmadali pa naman akong makahabol sa parking area...Pag-uwi ko umiinom na siya, hard liquor this time.



There I would say na may problema....But he approached me and he carried me inside our bedroom. After that hot and steamy moment, doon na niya ako kinumpronta. Makakatanggi ba ako?



Umiyak ako. Hindi ko masabing pinag-uusapan na kami. And I suddenly asked him kung may narinig ba siyang comment coming from his employees. He doesn't have to say it...just by his look, alam kong nasaktan siya.



Insulto iyon sa kanyang pagkalalaki. Mahalaga sa mga lalaki ang magkaroon ng anak. Kapag nabuntis ako, it would mean, he is capable of producing. Since napagkasunduan naman namin eh umabot kami ng anim na buwan bago kami magkabistuhan at wala na akong nagawa. Bumigay na ako.



Giving myself to Min Hyuk is what I can do since I said Yes to him the day we got married. Asawa ko naman siya and I can be sure of na hindi niya ako pababayaan kapag nagbuntis ako.



Saglit lang, after kong ihinto ang pagpi-pills ko, I experienced sudden changes in my mood, pati sleeping patterns ko ay napalitan. Madalas akong magbanyo sa madaling araw tapos pati ang appetite ko sa pagkain ay medyo nagbago.

MARRYING DO BONG SOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon