GUK DOO'S POV
Simula na matapos ang police operation namin sa kaso ni Kim Jang Hyun ay nagkaroon ako ng pagkakataon na lumabas at maglibang. Kaya lang inuman naman ang libangan ng iba kong mga kasamahan at hindi iyon ang prefer kong libangan.
Nakaupo ako sa aking swivel chair. Iniisip ko na tumatanda na rin ako at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan si Hee Ji. Binuksan kong muli ang aking wallet. Nandoon pa rin ang picture naming dalawa sa kasal ni Bong Soon. Nagpaalam naman ako kay Bong Soon na isasama ko siya doon.
"Congratulations, Bong Soon."
"Thank You, Hee Ji."
Nagkita rin sila doon ni Bong Ki kaya lang abala siya dahil kasama niya ang kanyang pamilya. Nasa tabi niya si Geong Shim. Hmmm, parang iba ang body language nilang dalawa ngayon. Parang... parang may something sa kanilang ka-sweetan.
Nagpaunlak ng isang tugtog si Hee Ji during the reception. Isinayaw pa ni Min Hyuk si Bong Soon habang nagsi-cielo siya. May ibang sumunod. Sayang, hindi ko siya maisasayaw. Actually, pagkatapos niya dito ay paalis si Hee Ji patungong Vienna upang tumugtog muli kasama ang kanilang grupo.
Inihatid ko si Hee Ji pagkatapos.
"Bong Soon, una na muna ako. "
"Ang aga mo naman..."
"May flight pa si Hee Ji mamayang gabi. Kailangan pa niyang magpahinga."
"Uhmmm, good luck. God bless sa biyahe." Binulungan pa niya ako. "Ligawan mo na lang kasi ulit."
"Thank you." Napangiti na lang ako sa sinabi niya.
Inalalayan ko siya papasok ng kotse. Hindi namin ito madalas gawin. Hindi kami madalas lumabas para mag-celebrate ng kahit na anong okasyon. Hindi kami nakakapanuod ng sine na gusto namin dahil sa trabaho ko. Ito na ang pinakamatagal naming pagsasama sa biyahe, sa loob ng kotse.
Tahimik siyang bumaba ng kotse. Hindi ko na siya naalalayan kasi lumabas kaagad siya. Inihatid ko na lang siya ng tingin.
"Hee Ji, bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon." Iyon ang biglang lumabas sa aking bibig. Iyon din ang gusto ng aking puso.
BINABASA MO ANG
MARRYING DO BONG SOON
FanfictionLife will never be the same without my Bong Soon. I will never let the night without her by my side. And we will live happily ever after...