EXTRA- CARE AND IT'S NORMAL

84 2 0
                                    

BONG SOON'S POV



Ngayon ko naintindihan kumbakit masyadong alagang alaga ni Mama si Bong Ki. Dahil doon, pakiramdam ko, si Bong Ki lang ang anak niya at ako , hindi. Para kasing lahat ng gusto niya sa isang anak, na kay Bong Ki na. At ako , lumalabas na sakit lang sa ulo at palaging problema ang dala sa pamilya.



Ngayon mayroon kaming anak na lalaki, halos bunso sa kanilang apat... extra- extra care ang pag-aalaga ko sa kanya. Tama ang sabi ni Mama, hindi siya nag-aalala sa akin dahil kayang kaya ko ang aking sarili. Para akong may tolerance sa sakit. Hindi ako madaling makaramdam ng kirot. Samantalang si Charlie...our little Minmin is very fragile. Palagi siyang maysakit kaya mabuti nga ito at pa-jogging –jogging sila dito sa bakuran. PInapaarawan ko ang kanilang mga likod tuwing umaga.



Madalas ang check up niya sa mga doktor na dating nagpaanak sa kanila. Kompleto sila ng mga vitamins dahil iyon din ang payo ng mga doktor sa kanya. Mas nakikita ko ang pag-aalala ni Min Hyuk kay Charlie at madalas niya akong tawagan para kumustahin ang kalagayan ng bata lalo na noong nagkasakit ito, sinundan pa ng lagnay kaya lalo siyang nag-alala.



"Huwag mong iiwan ang bata, Bong Soon. Sabihan mo kaagad ako kung kailangan na siyang dalhin sa ospital..."



Pero kung talino ang pag-uusapan, manghang mangha sa kanya si Min Hyuk. Tuwang tuwa nga sa kanya ang ama kasi napakagaling niyang mag-ingles kahit bata pa lang. Hindi patatalo si Min Hyuk dahil nag-aral siya sa International School at ilang taon din siya sa US kaya di nakapagtataka...magaling siyang mag-Ingles.



"Eomma, si Charlie lang po ba ang mahal ni Appa." Tanong ni Happy.



"Mahal kayong lahat ni Appa." Sabi ko naman.



Pero paano ko nga ba ipapaliwanag iyon gayong kitang kita na nila sa kanilang mga mata ang kaibhan ng pagtrato ni Min Hyuk sa mga bata? At heto pa, kapag nagdala ng pasalubong si Min Hyuk, personal niyang iniaabot iyon kay Charlie at ako ang nag-aabot sa mga bata. Anong gagawin ko?



Ngayon, training –training muna kaya lang hayan, nadapa itong si Charlie. Muntik ng mapatayo si Min Hyuk.



"Ako na..." Sabi ko... Napahinto ang mga girls. Nakita nilang umiyak si Charlie. Nagasgasan ang tuhod nito.



"Appa...whoaaahhhh!" Iyak ni Charlie.



"Mommy is here, Charlie. Shhhh...." Nakita ko sa mga mata ng mga girls ang awa sa kanilang kapatid pero hindi ko alam kung ano ang naglalaro sa kanilang isipan habang tinitingnan ang reaksyon ng kanilang ama. OA naman kasi itong si Min Hyuk. Hindi marunong magtago ng konting emosyon.

MARRYING DO BONG SOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon