AT DOBONG DONG

103 2 0
                                    

BONG SOON'S POV



Gulat ng gulat si Mama at Papa ng marinig nila ang tawag ng mga bata. Nasa bahay pa sila ng oras na iyon. Si Bong Ki ay nasa loob ng banyo at hindi narinig ang pagdating namin. Nagulat na lang siya ng yakapin siya ng mga bata paglabas niya ng banyo.



"Huh, abah hindi na mahigpit ang yakap ninyo ha!"



"Syiempre, tinuruan ko sila eh."



"Samchon...we miss you..."Sabi ng mga bata kaya lalong natuwa si Bong Ki.



"Sige, magbibihis muna si Samchon."



Sabay-sabay kaming kumain pero konti lang ang kinain ng mga bata. Sabay-sabay din kaming umalis dahil nasa bakeshop na si Papa. Maaga siyang nagbukas ng shop ngayon. Tinawagan ko kaagad si Min Hyuk. Kinumusta niya ang mga bata. Kinumusta ko kung okay naman ang pakiramdam niya. Wala naman daw problema. Papunta na sial sa presentation kaya binaba ko na rin ang linya.



Bago kami umalis kanina, tinanong ko kung puwedeng sunduin ng Bong Ki si Geong Shim sa Busan para makasama namin habang nandito kami sa Dobong dong. Kaya lang may trabaho si Goeng Shim at hindi siya nakapagpaalam.



"Kumusta naman kayo?"



"Ilang linggo na rin kaming di nagkikita? Hindi kasi ako makabisita sa kanila."



"Di bale, maiintindihan ka naman ni Geong Shim. Kaya lang, always fine time naman para di niya sabihing trabaho na lang ang mahalaga sa iyo."



"Sige, gagawin ko ang payo mo."



"Iyon lang naman ang gusto naming mga babae."



Masayang masaya si Mama at proud na proud siya na ipakilala ang kanyang mga apo sa kanyang mga amiga. Puro papuri lang ang narinig ko sa usapan nila habang nagkakape ako at nagti-text kay Geong Shim.



"Naku, ito na ba ang mga apo mo..."



"Daebak!!! anggaganda... at ang pogi ng batang ito. kamukhang kamukha ng iyong son in law."



"Hay suwerte siya kamo kay Bong Soon kasi maganda ang anak ko."


MARRYING DO BONG SOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon