GEONG SHIM'S POV
Hindi ko inaasahan na magiging kami ni Bong Ki. Hindi naman siya ang tipo kong lalaki although madami ang posibleng magkagusto sa kanya dahil nga doktor siya. Bihira lang ang nakakapasa sa pagdodoktor maliban lang kung talagang matalino ka. Well, what can you say about Bong Ki? He got the beauty and the brain. Full package naman siya. Hindi ka mapapahiya. Pogi naman siya, matalino at higit sa lahat, mabait at gentleman. Nakakasama namin siya sa panunood ng sine at pagkain sa labas tuwing wala sa mood si Bong Soon. Walang malisya.
He knew too well kung sino ang mga tipo kong lalaki. Alam niya iyon. Madalas nga akong mapikon sa kanya eh.
"Uy, baka mamaya kayo din ang magkatuluyan ha!" Biro pa ni Mrs. Gong.
"Huh, no wayyyy!" Sabi ko naman.
Balita ko nga dati ay na-involve siya sa love triangle nina Guk Doo at Hee Ji. Nagsimula lang iyon ng magpatingin si Hee Ji dahil sa pananakit ng wrist at kamay niya. Sinamahan pa nga siya ni Guk Doo at first time na nakita ni Bong Soon si Hee Ji.
"Bes, angganda ni Hee Ji. Kumpara naman sa akin, chooossss, anong magugustuhan sa akin ni Guk Doo."
"Ano ka ba, Bes? Carry bells lang. Be yourself."
"Hay..."
Feeling frustrated si Bes noon kasi nga di ba??? Medyo awkward talaga kapag napatabi ka kay Hee Ji. Sa beauty at height pa lang, awwwwww! Tapos seksi... confident kung tumayo. Wala talaga kami ni Bong Soon.
Pero hindi naman nagtagal ang relasyon nila. Walang oras si Guk Doo kay Hee Ji lalo na sa nature ng trabaho niya di ba??? Kapag may pina-follow up na kaso ay lalo siyang nawawalan ng oras sa dalaga. Sa presinto na halos matulog si Guk Doo noon. Paano pa siya la-lovelife eh kahit day off niya, inilalaan sa mga police operation nila? Hindi talaga niya mabigyan ng panahon ang love. Hanggang sa magsawa na rin si Hee Ji. Kailangan din niya ng konting pagtingin mula sa binata na hindi naman maibigay ni Guk Doo.
Wala ka talagang lovelife sa pulis na kasing dedicated ni Guk Doo sa trabaho. Well, di pa niya natututunang i-manage ang kanyang oras sa trabaho at lovelife...Hayun, unang sumuko ang lovelife.
On the other hand, si Guk Doo naman, may feelings pala kay Bong Soon all this time. Everything is a wrong timing for Guk Doo and Bong Soon. Nasabi man niya ang lahat, Min Hyuk has almost won over her heart.
Eh paano kay Bong Ki at Hee Ji? Wrong timing din...Magkaibigan kasi si Guk Doo at Bong Ki. Ayaw naman ni Bong Ki na sulutin si Hee Ji kahit siguro halatang nahuhulog ang loob ng babae sa kanya. Hmm, si Bong Ki, nagkagusto rin kay Hee Ji kaya nagkaroon sila ng usapan na magdate ng limang beses but it didn't work out.
BINABASA MO ANG
MARRYING DO BONG SOON
ФанфикLife will never be the same without my Bong Soon. I will never let the night without her by my side. And we will live happily ever after...