MIN HYUK'S POV
Masaya ang buong Ainsoft sa pagdating ng aming kambal ni Bong Soon. Nakiusap sila sa akin dati na mgkaroon ng baby shower pero hindi na ako pumayag. Hindi rin pabor si Bong Soon sa idea. Paano pa kaya ngayong nanganak na siya? Naku, tiyak na kukulitin nila ako. Tiyak na gusto nilang makita ang mga babies namin.
"Ay suwerte naman ni Sir. Twin baby girls ang anak nila ni Mrs. Ahn."
"Grabeh, siguro ang cute ng mga babie nila."
"Tiyak 'yun. Cute si Sir, cute si Ma'am...super cute tiyak ang mga babies nila..."
Tuwang tuwa ang proud daddy sa mga papuri nila sa aming kambal. Gusto nilang makita ang dalawa kaya may iba sa kanila ang dumalaw kay Bong Soon sa ospital.
"Congratulations, Mrs. Ahn." Walang katapusang pagbati ang ibinigay nila.
"Ang cute po ng mga babies ninyo."
"Syiempre, cute ang daddy..." Pagmamalaking sabi ko. Nakasimangot naman si Mr. Oh. Binati din naman si Bong Soon kahit paano.
"Mahal na mahal po ninyo si Ms. Bong Soon, ano???" Sabi ng isang empleyado...Bakit kaya?
"Bakit naman? " Tanong ko.
"Kasi kamukha ni Ms. Bong Soon 'yung mga babies..." Sabay hagikhikan sila.
"Parang mas nag-enjoy si Ma'am..." Ano daw???
Iyon ba ang ibig sabihin noon. Kung sino ang mas nag-enjoy at kung sino ang mahal na mahal mo, mas visible sa mukha ng mga bata ang kamukha...Daebak!!! Grabeh sila...
Nag-enjoy din naman ako ah... Nakakainis naman. Parang gusto ko na silang palabasin.
"Ano ka ba? Huwag mo ngang intindihin ang mga sinasabi nila. Wala namang scientific explanation 'yon." Sabi ni Bong Soon habang tinatapik ako sa balikat. "Kapag lumaki sila, saka natin malalaman kung sino talaga ang kamukha nila."
"I love you , Bong Soona."
BINABASA MO ANG
MARRYING DO BONG SOON
ФанфикLife will never be the same without my Bong Soon. I will never let the night without her by my side. And we will live happily ever after...