Pag dating sa Pilipinas sa bahay ni mama seven tumuloy si Aurora..Tumulong siya sa workshop nito. dahil hindi niya kayang umuwi hanggat hindi nauubos ang luha niya.
After one week umuwi na siya sa kanila.
Pag pasok niya ng bahay nagulat siya ng makita ang wedding portrait nila ni Zach sa sala katabi ng sa kuya niya
Nay!!!! Sigaw ni Aurora.
Oh anak anong nangyari??? Akala ko May sunog na! Ikaw bata ka bakit ngayon ka lang umuwi???
Nay! Bakit May wedding picture kami dyan???? Nay fake lang yon!!!!
Eh ano ngayon kung fake? Wedding parin yon kahit fake!
Nay tanggalin nyo yan!
Tatanggalin ko yan kapag May asawa Kana! Ipinadala pa ni Zach yan galing ng Japan!
Ano? Gagong yon nang aasar pa!!!!
Nay! Aurora ano ba yan hanggang sa labas dinig kayong dalawa!
Kuya si nanay kasi eh! Teka kuya kanino DSLR camera yan?
Saakin! Bagay ba? Nag apply na nga akong photographer kahapon ayun na tanggap agad ako!
Talaga? Naku mabuti naman! Binigay sayo yang camera???
Hindi ah! Binili ko to!
Ano???? Hindi nyo tinubos ang bahay????
Anak anong pinagsasabi mo? Bakit binigay mo naba ang pera?
Ah...hindi pa nga pala kapapasok lang po ng pera kahapon...saan galing yan kuya?
Binili namin to ni Zach bago kayo pumunta ng Japan! Marami palang ipon si bayaw sa bangko ano!
Si Zach ibinili ka ng camera????
Syempre ikakasal kayo kaya May regalo sa pamilya!
Kuya fake lang yon eh! Pero si Zach ibinili si kuya ng camera nag widraw siya ng pera sa ipon niya???? Bakit????
Anak...manhid ka ba o tanga? Obviously in-love sayo yung bata!
Saakin in love si Zach???
Bakit hindi sinabi sayo ni bayaw? Ah surprise siguro para pag uwi mo makita mo ang wedding picture...ay oo nga pala! Nay nasaan na yung sing sing na ipinatago sayo ni Zach...
Nasa kwarto eh dapat si Zach mag bigay non bakit mo sinabi???? Isa ka pang tanga eh!
Ha? May sing sing din????? Nay!!!!!
Ano? Sobrang saya mo ba????
Tanga ko! Grabe an tanga ko!!!! Nay aalis muna ako pupuntahan ko si Zach sandali!
Okay anak! Good luck! Wag mong ipahalatang alam mo na ang surprise ah!
Habang Naka sakay sa taxi sinubukan ni Aurora na tawagan si Zach pero hindi ito sumasagot. Kaya nag pasya siyang sa dorm ito puntahan.
Pag baba sa taxi umakyat agad si Aurora papunta sa kwarto ni Zach. Kumakatok siya pero walang sumasagot. Kinuha niya ang susi sa bag niya at binuksan ang pinto...
Zach nasaan ka bakit wala ka dito...
Nakita ni Aurora ang picture nila na nakasabit din sa wall...
Zach...nakakainis ka! Bakit hindi.mo sinabi saakin na mahal mo ako? Bakit hinayaan mong magsalita ako ng masama sayo? Sana habang kung ano anong sinasabi ko bigla mong sinabing I love you! Teka...sinabi ni Zach saakin ang I love you my bride!!!! I'm such a fool!!!!! Bakit ang kitid ng utak ko????
Nagulat si Aurora nang biglang bumukas ang pinto.
Zach!!!! Sigaw ni Aurora sabay lapit kay Zach.
Inakap niya ito ng mahigpit.
Zach I'm sorry...I'm sorry....I'm really sorry akala ko kasi....
Hinawakan ni Zach ang mag kabilang pisngi ni Aurora...ngumiti ito habang nakatitig sa mga mata niya...
Dahan dahang inilapit nito ang mukha kay Aurora...nang mag tagpo ang mga labi nila napapikit si aurora...
Actions speak louder than words... Ngayon alam ko na kahit hindi man sabihin ni Zach na mahal niya ako nararamdaman ko mahal na mahal niya ako...sa titig niya,sa kilos niya at kung paano niya ako halikan...
BINABASA MO ANG
Unli kiss 😘
Genç Kız Edebiyatıtwo unromantic person's were cast on a music video which requires romantic scene's like kissing.. without any romantic experience Zach and Aurora needs to look like real couples. "Aurora mukha kang na maligno kapag nahahalikan! Zach mukha ka kasing...