Pag-ibig ko sa iyo noo'y dalisay;
Malinis at walang bahid dungis.
Subalit iyong niyurakan aking nararamdaman,
Mga salita mong palalo, sinampal ang aking kamalayan.
Anong sakit, bawat hagupit ng mga letrang nagmumula sa iyong Bibig.Inisip ko tuloy, ano nga ba ang siya mong ibig?
Aking pag -ibig o ang puso ko'y madurog dahil sa sakit?
Anong pait, anong hapdi...
Bawat sugat na naiiiwa'y sumisira sa aking katauhan!Bakit nga ba ang tao ay iibig?
Katanungan na siya ngayo'y nag-uumukilkil sa aking isipan.
Kung pag -ibig ay ganito hindi kaya mas maganda kung mag-isa na lang?
Malungkot sabi nila, mag-isang tatanda subalit mainam na ang mag-isa kaysa nasasaktan sa tuwina.
BINABASA MO ANG
HAMOG
PoetryMga tulang nagmumula sa maykatha, Nilikhang gamit ang nanlalabong kaisipan ng may-akda.