Hindi maarok ng aking kaisipan,
Kaniyang karunungan,
Higit na malawak sa kalangitan,
Malalim pa sa karagatan.Sikapin ko man na magdagdag ng kaalaman,
Akong tao ay sadyang limitado,
Ni katiting ay hindi maaabot kaniyang katalinuhan,
'Pagkat ako'y nilalang, na mula sa alabok,
Sa pagmamahal ay hinubog,
Ngunit naging palalo ang tulad kong tao,
Tunay na naging makasalanan kung kaya't sumpa ng kahirapan, sa tulad ko ay dumatal.
Bakit nga hindi'y makamundong mga bagay at makalaman na mga pagnanasa siyang sa amin ay umiral?Grasya NIYA at habag ay walang katulad,
Sadyang kami ay mapalad.
Ang Diyos na maylikha ng langit at ng lupa,
Pinadala ang bugtong na anak upang kami na tao ay maligtas at magkaroon ng buhay na walang hanggan,
Buhay na kasiya-siya at ganap,
Bagaman at hindi karapat-dapat.Dugo ng anak ay ibinuhos, pag-ibig ay pinadaloy,
Ngayon kami ay dinadalisay sa pamamagitan ng apoy.
Lalabas na puting-puti at walang bahid dungis,
Mga nilikhang dati ay marumi at puno ng putik.Tunay ngang walang katulad si Yahweh na aming Diyos,
Siya'y Banal at kaalaman ay walang ubos,
Nilikha ang lahat, mula sa wala, maging kami na tao'y, Nagkaroon bigla.
Kami man ay nagkasala, dahilan sa kaniyang habag kami'y pinatawad.Hindi malirip niyaring aking isip,
Kaniyang kadakilaan,
Tunay na walang kapantay, walang katulad at walang hangganan.
BINABASA MO ANG
HAMOG
PoetryMga tulang nagmumula sa maykatha, Nilikhang gamit ang nanlalabong kaisipan ng may-akda.