Kalayaan

40 9 2
                                    


Kalayaan;
Ano nga ba ito sa bawat tao?
Ano ito para sa iyo?
Kalayaan nga bang matatawag paggagawa ng masama sa kapwa?
Kalayaan sa pananakit gamit ang salita,
Hanggang dito nga lang ba saklaw ng kalayaang ipinagmamalaki nila?

Ipinangakong kalayaan ngunit hindi ramdam,
Ibinigay daw nila, subalit nasaan?
Ipinakipaglaban ngunit ang nanalo nga ba ay sino?
Sino nga ba talaga?

Kalayaan ang siyang ipinangako subalit pekeng demokrasya lang ang siyang natanggap,
Pilipinas kong mahal hanggang kailan ikaw ay papalinlang?
Hanggang kailan ang kalayaan ay gagamitin ng mga mapaglaro at sakim sa kapangyarihan?

Aking bansa,
Puso ko'y nagdurugo sa tuwing namamasdan,
Kawalan ng kaalaman, salat sa karunungan.
Mga inosenteng mamamayan ginagamit at pinapaikot lang,
Nakakulong sa hindi nakikitang hawla,
Walang kaalam-alam..
Walang kamalay-malay,
Kuko ng mga pulitiko at mayayaman ang sa kanila pala'y sumasakal.

HAMOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon