Sigalot

9 2 0
                                    

Nagtatalong kaisipan;
Umaalimpuyong damdamin,
Sa magulong puso'y umaalipin.

Tila ipu-ipong gumugulo sa aking ulo,
Mga bagay-bagay na sadyang nakakalito.

Imiinog sa aking mundo,
Sa pagkatao ay siyang bumabago.

Sa kalawakan ng aking balintataw,
Kalituha'y nagpapasikip,
Hindi malirip,
wangis ay guni-guning hindi nagpapalinaw,
Unti-unti'y ako'y kandilang inu-upos, ginugunaw,
nagpapagulo'ng lalo sa watak-watak nang katinuan.

HAMOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon