Respeto

15 3 0
                                    

Ang buhay nga ba ay bakit ganito?
Tanong ng isipang nalilito.
Iiling-iling yaring aking ulo,
Tuwing ma-i-isip ang pagtrato as akin ng mga tao.

Ano nga ba ang kahulugan ng salitang respeto?
Bakit tila walang nakaaalam nito?
Kailangan ko pa sigurong tumingin sa diksiyonaryo,
Sapagkat walang sino man ang sa akin ay nagpadama nito.
Paano ko nga bang malalaman ang isang bagay na hirap akong makita at maramdaman?

Isang bagay na nais kong malaman,
Ito kaya ay akin pang mararadaman o mananatili na lamang nakapagkit sa aking magulong kaisipan?

Ako'y nagugulumihan...
Sagot sa aking mga katanungan,
Sadya bang kayhirap matagpuan?



HAMOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon