Mundo'y sadyang nakakalito, umiikot subalit hindi nahihilo.
Mga tao'y nananatilingnakatayo, sintibay wari ng puno, bagaman at nasa ilalim tila baga nasa ibabaw pa rin, tumitingala sa tuwina kahit pa nga naninimdim, magkasalikop ang mga kamay at nakaluhod din sa tuwing nananalangin, malimit na sambit;
Kahilingan ng pusong lito nawa'y dinggin ng Panginoong Diyos na sa puso't isipan ng mga nilikha'y tanging siya lang ang may talos;
Kami nawa'y pagpalain ng ang buhay sa lupa'y maging tulad ng sa langit, ka-aya-aya at puno ng ginhawa, hindi paris ngayong tila ligaya'y ipinagkait,
Anong hapdi't... anong pait~ puno ng pasakit~yaring dinaranas ng mga yagit,
Tigib ng luha mga matang hindi maipinid sapagkat nakakita sa lupit na hatid na siyang nagdudulot ng pagkamanhid,
Ngunit puso man ay lito,
Isipan man ay kulang sa mpormasyon at kaalaman,
Tayong tao,
Ang pag-asa'y hindi maglalaho,
Hindi lubusang mapaparam,
Habang kay Jesus ay naniniwala at nagtitiwala,
Hungkag man minsan ang pandama,
Pag-ibig ang siyang mamamayani,
Kaya salita nila'y mananatili,
Hindi lubusang mawawala,
aasa't hindi malulugmok ng lubusan,
'Pagkat pagmamahal niya'y lubos at magpakailanpaman.
To be edited.
BINABASA MO ANG
HAMOG
PoetryMga tulang nagmumula sa maykatha, Nilikhang gamit ang nanlalabong kaisipan ng may-akda.