Matapos ang mga pagli-limi-limi,
aking napagtanto— sa buhay ng tao,
may mga na-u-usal na hindi kagustuhan, may mga nagagawang hindi sukat akalain o dili kaya'y sinadya .
May mga hindi nagagawang gusto at hindi natutupad na mga pangako .Ang buhay ay punung-puno ng kawalang kasiguraduhan.
Maaring ngayon tayo ay nabubuhay, bukas nman ay papanaw,
Ito'y siyang aking pananaw.Ngayon ay masaya, maaring sa susunod ay hindi na.
Ngunit kung anuman ang siyang hatid ng bukas,
walang natitira kundi ang tanggapin at magpasalamat, sa dakilang Maylikha ng langit at lupa.
BINABASA MO ANG
HAMOG
PoetryMga tulang nagmumula sa maykatha, Nilikhang gamit ang nanlalabong kaisipan ng may-akda.