Tikom

18 8 2
                                    

Ipinid ang Bibig;
Itikom itong mabuti,
Upang hindi makasakit at wala sa iyong magalit.

Itikom ang bungangang laging nakanganga,
Sa bawat usapin ay laging nakaabang... nakaantabay,
Tsismis ay iwasan ng hindi laging napapaaway.

Ipinid iyong bibig, huwag ibuka iyong mga labi.
Sarili ko'y pakinggan 'pagkat mga tao ngayon ay sensitibong tunay.
Huwag magsalita hangga't maari sapagkat malimit kanilang pag-intindi,
Madalas ay malayo sa iyong nais ipahiwatig.
Kaya't itikom ang bibig,
Iwasan ang ikaw'y makasakit sa mga taong sadyang maligalig.

HAMOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon