Idlip

10 6 0
                                    

Bawat pagpikit niyaring mga mata'y,
Pag-asa'y tinatanaw.
Ngiti sa isipan ang siyang dulot,
Sa paglalaho ng balintataw.


Sa t'wing magsasara ang mga mata'y pansamantalang namamaalam, ang tila walang katapusang agam-agam at mga sigalot sa isipan!


Ang hapdi ng damdamin na siyang tinitiis, tinitikis!
Winawaksing pilit, hapdi sa bawat himaymay ng kalamnan;
Nais ko'y humiyaw ng anong tinis,
Hanggang litid sa lalamunan ay tuluyan na ngang mapatid.

Mga bagay-bagay sa utak ko'y patuloy na nanggugulo,
Sa t'wing gising ang aking kamalayan ay walang humpay sa pagtakbo!
Pagod na pagod na ang aking isipan at buong pagkatao.
Napapagal sa bawat pag-usad ng panahon sa mundo,
Maging pagtikatik ng orasan,
Lubha ko nang kinaiinipan.

Tuwing naiidlip doon lamang kapayapaan ay nakakamit.
Tuwing pumipikit,
Napapahinga 'yaring isip!

Sa pagtulog sa gabi o araw man,
Aking nais at sana'y pagbigyan...
Hindi idlip lang kundi tulog na walang hanggan!


HAMOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon