Silakbo ng damdamin, pilit kong sinisikil;
Nag-aalimpuyong isipan sa nagwawalang kamalayan, kapayapaan nga kaya ay nasaan?Masaklap man, at sadyang kay-hirap ang ito'y tanggapin ngunit sadyang dumadaluyong— unos ng kahapon.
Nakaraang nais malimot ay walang humpay kung guluhin yaring aking isipan!Pilit na ako'y hinahabol ng anino ng nakaraan,
Minumulto yaring pikit na diwa,
Tinutugis maging mulat na mga mata!Kailan kaya mag-wa-wakas?
Kailan matatapos?Bukas o sa makalawa kaya... O kung buhay ko'y wala na?
BINABASA MO ANG
HAMOG
PoesieMga tulang nagmumula sa maykatha, Nilikhang gamit ang nanlalabong kaisipan ng may-akda.