Chapter 29: [Forevermore]

3K 78 9
                                    

*VINIEL'S POV*

Nandito kami sa classroom ni Dennice. Tapos na ang klase. Hindi pumasok yung KLAPS pati ang barkada kasi dahil dun sa venue. Ang dami ngang tanong ni Dennice eh. Babe, nasan yung barkada? Babe bakit wala sila? Babe hindi ba sila papasok? Ako naman, walang masagot. Nagssmile na lang ako sa kanya. Nainis nga sa akin eh.

Naghihintay ako ng hudyat ni Ate Erica, kung pupunta na kaming rooftop. Aish! Nakakainip na nga dito eh. Buti naka air conditioned yung room. Kung hindi, kanina pa ako naghubad dito sa sobrang init.

"Viniel, hindi pa ba tayo aalis?" tanong ni Dennice na halatang may pagka irita na yung mukha. Hindi niya kasi alam kung bakit pa kami naghihintay dito. Hindi ko naman pwedeng sabihin.

"Babe, patience. Konting tiis."

"Akala ko naman special tong araw na to. Wala naman nangyareng special. Nakakainis naman. Nagbihis bihis pa'ko ng ganito, tas wala din naman pala." reklamo niya. Ako naman nagssmirk lang. Natatawa ako sa kanya, iba talaga tong prinsesa ko.

"Bakit ka tumatawa diyan?" sabi niyang pasigaw. Kami na lang kasing dalawa dito sa classroom.

"Wala." matipid kong sagot. Asarin ko nga 'to. Haha.

Tumayo ako tapos lumapit ng lumapit sa kanya. Wala naman akong balak na masama eh. Pagtitripan ko lang siya.

"Huy, V-Viniel. Nandito pa tayo sa school." sabi niya.

Pero hindi ko siya pinansin, palapit ako ng palapit hanggang sa nasandal na siya sa isang corner ng room. Tapos nilagay ko yung kamay ko sa pader kalevel ng balikat niya.

"V-Viniel." -Dennice

Nilapit ko pa yung mukha ko sa mukha niya. Siya naman biglang pumikit.

"HAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!" ako yan, tumatawa. Pano kasi pumikit siya. Akala niya siguro hahalikan ko siya.

"Nakakainis ka naman eh!" sabi niya sabay talikod sa akin. Hala. Nainis ang prinsesa ko.

"Uy, sorry na."

"Ewan ko sa'yo. Nakakainis ka. Wag mo na akong ihatid. Papasundo na lang ako." -Dennice

Hindi pwede to. Paano ang plano ko? Niyakap ko siya patalikod tapos binaon ko yung mukha ko sa balikat niya. "Babe, sorry na. Hindi ko na uulitin."

"Viniel, uuwi na ako. Bitaw na."

"Let's stay muna ng ganito kahit 5 minutes lang. Please?"

Nasurprise naman ako ng bigla siyang humarap sa akin. Tapos niyakap ako ng mahigpit. Ang susunod niyang ginawa, nilapit niya ang ilong niya sa ilong ko. Ikikiss ko na nga sana siya kaso biglang nag-ring yung phone ko. Agad naman siyang bumitaw sa akin, siyempre ako din. Ang awkward na tuloy ng atmosphere.

Tinignan ko yung text sa akin. Bakit naman kasi hindi ko naisipan i-silent yung phone ko. E di sana naka score na ako! Binasa ko yung text, si Ate Erica pala.

Fr: Ate Erica

Ready na ang venue. Sibat na kami. Goodluck lil'bro. Labyu. :)

Kahit naman pala istorbo yung text, maganda naman pala. Mamaya ko na itutuloy yung naudlot na ano. Hmmmm... Hahahahaha.

The Princess with her FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon